💫 XXXI 💫

10.5K 528 84
                                    

Chapter Thirty-One:
Stop Waiting

***

THEN
November 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

NAGISING ako when I suddenly heard a soft knock on my door. I reached for my phone na nasa bedside table at nagtaka nang makitang 2 AM pa lang. Ano naman ang kailangan sa'kin ng kung sino mang kumakatok sa labas? Alas dos na ng madaling araw, for God's sake!

I groggily opened the door, eyes half closed.

"I-I'm sorry... I know it's late—"

"Phil?" Nawala ang antok ko nang nakita ko siya. "What's wrong?" Bigla akong nag-alala kasi baka may emergency.

"I-it's nothing important..."


"C'mon, hindi mo puputulin ang tulog ko if it's not important." Napansin kong namumula ang kanyang mukha at namumungay rin ang mga mata. "Wait, kakatapos n'yo lang bang mag-inuman?"

He nodded.

Maaga kasi kaming inantok nina Mikaela kaya nauna kaming pumasok sa kanya-kanya naming kwarto around 11 PM. Ang sabi nina Dreigh, matutulog na rin daw sila mayamaya lang. Hindi ko naman inasahan na ang "mayamaya" nila ay alas dos pala ng madaling araw.

"Kung may kailangan ka, sabihin mo na para makatulog ka na rin."

"Iyong tungkol sa kanta..."

"Huh? What about it?"

"You sang earlier..."


"Don't tell me nagpunta ka lang dito para i-critique ang singing ability ko? I know I'm not a good singer, but it was a pretty decent performance—"

"Why did you choose that song?"

"Huh?" Matagal akong hindi nakasagot at prinoseso lang ng utak ko ang tanong n'ya. "W-why not?"

"Iba kasi ang dating sa'kin ng kanta. I felt like you were trying to tell me something."

"Phil, lasing ka lang, and I think nago-overthink ka. Wala lang naman 'yon, eh. It was just a song. Iyon ang unang pumasok sa isip ko no'ng pinakanta nila ako."

"Are you sure? Because the song says you hate how much you love me." He sounded so scared and weak. He held my hand and met my gaze. His stare was so intense which made me feel like I was drowning. "Pagod ka na bang maghintay?"

"Phil, no..."

"Sabihin mo sa akin ang totoo. Hindi ako magagalit. Maiintindihan ko naman kung pagod ka na, eh. I know I've been very selfish by asking you to wait for me, so be honest."

"Hindi ako mapapagod na hintayin ka, okay? Halika nga dito." Pinapasok ko siya sa kwarto ko. Ayokong sa labas kami mag-usap dahil baka magising ang iba naming mga kasama at marinig ang pinag-uusapan namin. "Ano ba 'yang mga pumapasok sa isip mo? Why would you think that?"

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon