NOW
January 2018HINDI ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi pa naman ako nakakapagdesisyon. But I decided to cut my vacation short. Iniwan ko si Trevor sa Siargao dahil marami pa raw silang kailangang i-shoot. I flew back to Manila a day after Phil left. Trevor put some sense into my head and as much as I hated to admit it, may point naman siya.
Habang nakasakay sa eroplano, kung saan-saan na lang umabot ang isip ko. Ano ba'ng gusto kong mangyari sa pag-uwi ko? Hahanapin ko ba siya at kakausapin? Makikipagbalikan ba ako? Kaya ko na bang isantabi ang takot ko at kalimutan ang mga nangyari noon? I didn't have an answer. Kasi sa totoo lang, magkaiba ang sinasabi ng utak ko at ng isip ko.
"Bakla!!!"
Nagulat ako nang nakita ko sina Mikaela at Kim sa airport nang dumating ako. Tumakbo sila palapit sa akin at nakipag-group hug. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao pero tila wala namang pakialam ang mga bruha.
"Welcome back, bakla!" ani Kim.
"Maka-welcome back ka naman. Nag-Siargao lang ako, hindi ako nag-abroad," natatawang sabi ko.
"Na-miss kita," ani Mikaela. Ako rin, na-miss ko ang baklang 'to. Hindi na kasi kami madalas nagkikita dahil sa abroad na nga siya nakatira. "Halika, mag-chikahan tayo habang luma-lafang!"
"Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko. Hindi ba pwedeng pagpahingahin n'yo muna ako?"
"Ang OA nito. Wala kang jetlag, alam ko. Ang lapit lang ng Siargao," ani Kim at hinila ako.
Sakay ang kotse ni Mikaela ay nagpunta kami sa isang malapit na restaurant. Hindi na ako kumontra dahil gusto ko rin naman silang maka-bonding. Habang kumakain ay kinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa Siargao. In all fairness, hinayaan lang nila akong matapos. Nakinig lang sila and I didn't see judgement in their faces. Sobrang seryoso nilang tingnan at hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o hindi.
"Magsalita nga kayo. Ang creepy ng reactions n'yo, ah." I wanted to hear them say na nagpapakatanga na naman ako. I wanted them to stop me at sabihing kalimutan ko na lang si Phil. I wanted them to remind me of my painful past.
"Alam mo kasi, bakla, desisyon mo pa rin 'yan. Kung ako ang tatanungin mo, ayoko ng makipagbalikan ka kay Phil. You've been through a lot at saksi kami sa lahat ng pinagdaanan mo. But if it means na hindi ka na magiging totoong masaya, then, go ahead. Hindi na kita pipigilan," ani Kim na ikinagulat ko ang mga sinabi. Siya ang pinakatutol sa aming dalawa ni Phil.
"Ba't parang nag-iba ang ihip ng hangin? 'Di ba ayaw na ayaw mong magkabalikan kami? Tsaka, masaya naman ako, ah. Don't think na malungkot ako dahil wala siya sa buhay ko."
"Masaya ka nga, pero hindi kasinsaya no'ng nasa buhay mo pa si Phil. Of course, we want you to be completely happy. At feeling ko, 'yang galit at sakit sa puso mo ang pumipigil sa'yo para maging masaya ulit kasama siya," Mikaela explained.
"We have to tell you something," ani Kim. I stiffened. I felt like whatever she was about to tell me would make things more difficult for me. "No'ng na-ospital ang papa mo at umuwi ka sa inyo, kinausap namin si Phil. Sabi niya, naghiwalay na raw kayo bago ka pa umalis."
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...