PABAGSAK na napaupo si Sophia sa sofa ng living area nila ng gabing iyon. She was so tired and so sad at that time. Pagod dahil sa napaka-habang biyahe at malungkot dahil hindi niya nagawang makita si Jeremy nang araw na iyon sa Cebu. Mga trabahador lang nito ang nakaharap niya at nakausap.
Kumunot ang noo niya nang mapansing wala pa doon ang kapatid. Saan naman kaya ito nagpupupunta at gabi na kung umuwi?
Tumayo na siya at lumapit sa refrigerator para kunin ang pagkaing iniutos niya sa kapatid na painitin para sa hapunan nila. Siya pa rin naman pala ang gagawa noon.
Habang inilalagay ang pagkain sa microwave ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng front door. Napalingon siya sa kapatid na si Jessie na sumisipol pang pumasok sa kusina.
“Mukhang ang saya-saya mo, ah?” puna niya dito.
Lumapit ito sa kanya na may malawak na ngiti. “Ako ang pinili ni Vincent na mag-organize ng upcoming birthday party niya sa Cebu, Ate,” kinikilig na balita nito. “Can you imagine it? Baka ito na ang hinihintay kong chance para mapalapit sa kanya.”
Napailing siya. “Mukha ka ng Vincent. At bakit naman sa Cebu pa gaganapin ang kaarawan niyang boss mo?”
“Gusto niya kasing doon sa Hacienda Fabella mag-celebrate para nga maiba naman.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Ang haciendang iyon ay pag-aari ni Jeremy. Muli na namang bumalik ang kalungkutan sa puso niya sa hindi pagkakita dito kanina.
“Kailangan ko na ngang bumiyahe papunta doon by the end of the week, kaya kailangan ko ng simulan ang pagpa-plano,” hinalikan siya nito sa pisngi. “Papasok na ako sa kuwarto ko, Ate. Hindi na ako magha-hapunan. I’m on a diet, para naman sexy ako sa party ni Papa Vince.”
Sinundan niya na lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng kusina. Iba talaga itong kapatid niya kapag may natitipuhang lalaki. Hindi titigil hangga’t hindi nakukuha. Napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...