“KAYO ba ang sumunog sa pabrika ni Vincent sa Laguna?” tanong ni Sophia kay Drake nang makaharap niya ito sa isang restaurant.
Sumandal ito sa sandalan ng upuan at umismid. “Oo, bakit?” bale-walang sagot nito.
Malakas niyang naipukpok ang kamay sa mesa. Hindi niya alam kung bakit may sumiklab na galit sa puso niya sa kaalamang iyon. “Bakit niyo ginawa iyon? Wala iyon sa usapan natin!” galit na galit na sumbat niya dito.
Tiningnan siya nito ng ubod ng talim. “Hindi porket wala sa usapan natin ay hindi na namin puwedeng gawin,” mariing wika nito. “Ano bang problema mo, Sophia? Hindi ba dapat maging masaya ka? Ito ang gusto mo, hindi ba? Ang mawala sa kanya ang lahat.”
Napipilan siya sa sinabi nito. What was wrong with her? Bakit nagagalit siya dahil sa bagay na iyon? Hindi ba dapat maging masaya nga siya?
Hindi niya na ito sinagot at mabilis na tumayo para lumabas ng restaurant. Dumiretso siya sa sasakyan at patuloy na pinapagalitan ang sarili habang nagmamaneho.
Itinigil niya ang sasakyan sa sementeryo kung saan nakalibing ang pamilya niya. Pagkarating sa puntod ng mga ito ay umupo siya sa tapat ng puntod ng kapatid. Doon niya inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Umiyak siya ng umiyak hanggang sa tuluyan ng maubos ang mga luha niya. “Jessie…” sambit niya sa pangalan ng kapatid. “Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito, hindi ba?”
Pinunasan niya ang mga luha at pilit pinapakalma ang sarili. Marahan niyang hinaplos ang puntod ng kapatid. “Ipaghihiganti kita, Jessie. Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit na dinanas mo. Help me… patuloy mong ipaalala sa akin iyon. I don’t want to involve my heart in here. Help me.”
Inubos niya ang buong maghapon sa lugar na iyon. Pilit itinatatak sa isipan ang mga bagay na dapat niyang tapusin.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...