Chapter 17.4

2.9K 47 2
                                    

ILANG linggo ng nananatili si Sophia sa Tagaytay kasama ang kaibigan niyang si Erika. Napagpasyahan niyang doon na manirahan dahil wala na rin naman siyang dahilang manatili pa sa Maynila. Ang restaurant na pag-aari nila ni Ashlee ay binitiwan niya na rin, sinabi niya ditong ang lahat ng kita niya ay ibigay na nito sa kumpanya ni Vincent para makatulong din kahit papaano. Ang bahay niya naman ay ipinagbenta niya na rin.
Plano niyang magtayo ng panibagong pagkakakitaan dito sa Tagaytay kasosyo ang kaibigan niya. Isang art school para sa mga batang naroroon. Hindi man ganoon kalaki ang kikitain niya ay maayos na rin. Gusto niyang pilitin ang sariling mabuhay ng normal.
Pero hindi iyon ganoon kadali dahil walang oras na hindi pumapasok sa isipan niya si Vincent at ang pagkakamaling nagawa niya dito. Gabi-gabi ay patuloy niya pa ring iniiyakan ang bagay na iyon.
Napatingin siya kay Erika nang makita itong pumasok sa loob ng apartment dala ang binili nitong umagahan nila. Lumapit ito sa kanya at bumuntong-hininga. “Did you cry again last night? Your eyes are puffy,” wika nito. “Ano ka ba naman, Sophia?”
Nginitian niya na lang ito at kinuha ang mga dala nito para dalhin iyon sa kusina. Ipinatong niya ang mga iyon sa table na naroroon. Sumunod sa kanya si Erika at naupo sa silyang nasa tapat niya.
“Nakita mo ba sa balita na umaayos na daw ang lagay ng kumpanya ng Vincent Fabella na iyon?” tanong nito.
Napatingin siya dito pero agad din namang nagyuko ng ulo. “Ganoon ba? Mabuti naman,” sagot niya. Masaya siya dahil unti-unti ng nakakabangon ito.
“Pero hindi pa rin bumabalik sa pamamalakad ang Vincent na iyon,” dagdag pa nito. “Sabi pa nga, nasa California na daw ito at nakatakda ng ikasal sa isang babaeng gusto ng Mama nito.”
Parang may mga malalaking kamao ang pumipiga sa puso niya at may bumarang tinik sa lalamunan niya ng mga oras na iyon. Her soul seemed to have left her body as she mindlessly walked towards the bedroom. Ikinulong niya ang sarili doon at umiyak ng umiyak.
She was so hurt she could hardly breathe. Alam niya namang hindi ito para sa kanya pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling masaktan sa kaalamang may iba ng babae ang magmamay-ari dito. Sinaktan niya ito, bakit pa ba siya umaasa na mamahalin pa siya nito?
Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay at humagulhol ng pag-iyak. No, hindi niya kaya. Naaalala niya pa ang bawat halik nito, ang paraan nito ng pagsasabing mahal siya nito, ang mga pangako nito. Hindi kayang tanggapin ng puso niya na iba na ang gagawan nito ng ganoong mga bagay.
Bakit ba nagpaka-tanga siya? Bakit niya pina-iral ang galit sa puso at hinayaang mawala ang taong pinakamamahal? Gusto niya ng magpahinga, ipikit ang mga mata at huwag ng magising kahit kailan. She wanted to erase the pain and that indescribable longing in her stupid heart.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon