Chapter 8.1

2.7K 52 1
                                    

NAGULAT si Sophia nang makita si Vincent sa lobby ng kumpanya niya ng hapong iyon. Hindi ito nakasuot ng business suit nito, sa halip ay maong pants at dark blue long-sleeved shirt. Natigilan pa siya sa ayos nitong iyon, he looked so different in casual clothes. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya ito sa ganoong ayos. His dark hair was also trimmed a little. He was really an epitome of handsomeness, hindi maitatanggi iyon.
But also an epitome of cruelness, paalala niya sa sarili. Lumapit siya dito at matamis na ngumiti. “Anong ginagawa mo dito? Plano ko pa namang bisitahin ka sa opisina mo ngayon, pero nandito ka na,” tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi.
“Maaga akong lumabas ng opisina, may celebration kasi sa bahay at gusto kong isama ka,” sagot nito. “I want my new girlfriend to meet my family.”
Ipinanatili niya ang ngiti sa mga labi. Noong huling labas nila ay inalok na siya nitong pumasok sa isang relasyon at siyempre mabilis pa sa kidlat na pumayag siya. Nagkunwa pa siyang masayang-masaya patungkol sa bagay na iyon. “Your family?” ulit niya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing ipinapakilala na pala nito kaagad ang mga nobya nito sa pamilya nito.
Mukhang napansin nito ang pagdadalawang isip niya kaya ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. “Huwag kang mag-alala, sweetheart. Mababait naman sila. Kung gusto mo, puwede rin nating imbitahan ang pamilya mo.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Ang pagka-alala sa pamilya niya ay nagdadala pa rin ng matinding sakit sa puso niya. Napayuko siya para itago ang nagbabantang luha sa mga mata.
“What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito.
“W-Wala na ang mga magulang ko,” malungkot na sagot niya. “Namatay sila sa isang plane crash noong seventeen years old pa lang ako.”
“Oh, sweetheart, I’m so sorry,” niyakap siya nito ng mahigpit.
Kahit gusto niya itong itulak ay hinayaan niya na lang ito. She needed comfort this time, at wala naman siyang ibang choice kundi ang tanggapin ang comfort na ibinibigay nito.
“Namatay din ang Papa ko sa isang plane crash noong seventeen years old din ako,” sabi pa nito.
Napatingala siya dito. Hindi niya alam na wala na pala din itong ama. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
“Galing sina Papa Angelo at Tito Alberto sa isang conference meeting sa Singapore,” pagpapatuloy nito. “Si Tito Alberto ang ama nina Jeremy at Daniel. Nalaman na lang namin na nag-crash ang eroplanong sinasakyan nila pabalik dito. It was very heartbreaking, especially for Mama. Simula noon, ako na ang humawak sa kumpanya ng mga Fabella para masuportahan ko rin ang mga kapatid ko at para mapanatili ang pinag-hirapan nila.”
Tinitigan niya ito ng higit na matagal kaysa sa dati niyang ginagawa. Hindi niya alam na pareho din pala sila ng pinagdaanan sa buhay. Itinaas niya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi nito. She gave him an encouraging smile para maipakita dito na naiintindihan niya ang nararamdaman nito.
Ngumiti ito habang tinititigan din ang mukha niya. “Hindi pa ba bumabalik si Jessie?” tanong nito.
That question brought her back to reality. Anong ginagawa niya? Ibinaba niya ang kamay na nasa pisngi nito at mabilis na iniiwas ang tingin. Hindi! Hindi dapat siya nakakaramdam ng awa para dito! He was a heartless bastard, remember?
Ilang sandali niyang kinalma ang sarili bago muling tumingin dito para sagutin ang tanong nito. “Mukhang napasarap na siya sa Amerika,” ngumiti siya at hinila na ito palabas. “Let’s go, baka hinihintay ka na ng pamilya mo.”
Ngumiti ito at iginiya na siya sa kinapaparadahan ng sasakyan nito, isang dark red McLaren F1. Napailing na lang siya dahil sa paghanga sa mga kayamanan nitong hindi magtatagal ay mawawala na ditong lahat.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon