Chapter 15.2

2.6K 38 1
                                    

LUMIPAS ang isang buong linggo na sinusubukan ni Sophia na kalimutan na ang lahat at mag-focus na lang sa pagta-trabaho. Pero kahit na anong pilit niya sa sarili ay hindi niya pa rin magawa ng ayos ang lahat ng trabaho niya. Madalas pa rin siyang nauuwi sa pagkatulala at pag-iyak tuwing maaalala niya ang mga pangyayari ng nakaraang linggo.
Bakit ba patuloy pa rin siyang ginugulo ng itsura ni Vincent na nahihirapan at nasasaktan? Bakit nakakaramdam pa rin siya ng awa para dito? Kung maaari lang na bunutin niya ang puso sa kinalalagyan nito para matanggal ang mga damdaming iyon ay matagal niya ng ginawa.
Tulad ngayon, natagpuan niya na lang ang sariling nagbabasa ng mga balita tungkol dito sa internet sa halip na inaasikaso ang mga trabaho sa opisina. Hindi niya mapigilan ang sarili niya, nais niyang malaman kung ano na ang nangyari dito.
Nabasa niya ang mga artikulo patungkol sa kumpanya nito na nagsasabing malapit na daw iyong bumagsak. Higit isang buwan na lang bago ang pinaka-aabangang product launch ng mga ito pero wala pa ring inilalabas na press release ang mga ito kaya usap-usapan na wala na ang mga itong bagong ideya. Nabasa niya rin na hindi naman lumalabas sa media si Vincent para magpaliwanag dahil hindi rin daw ito nakikitang pumapasok sa kumpanya nito.
Mabilis niyang isinara ang laptop at napahawak sa ulo. Pakiramdam niya ay umiikot na ang buong paligid niya. Kailangan niya na sigurong umuwi ngayon at magpahinga. Hindi na dapat siya tumitingin sa mga balita tungkol dito, hindi niya na dapat ito pinapakialaman. Ito ang gusto niya, hindi ba? Ang makita itong bumagsak at mahirapan. Dapat niya ng alisin ang lahat ng awang nararamdaman para dito, sisirain lang siya ng damdamin niyang iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon