Chapter 17.3

2.9K 50 1
                                    

KASALUKUYANG nag-eempake si Sophia ng mga damit niya nang makarinig siya ng pagtunog ng doorbell sa pinto. Bumaba siya ng hagdan at binuksan ang front door. Nagulat pa siya nang makitang nakatayo sa labas niyon si Keira Fabella.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at inanyayahan itong pumasok. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila.
Tumikhim muna ito. “Natanggap ko na kanina ang kontratang ipinadala mo,” panimula nito. “Sigurado ka ba sa desisyon mong iyon?”
Tiningnan niya ito, puno ng kaseryosohan ang mga mata. “Iyon ang nag-iisang desisyon na siguradong hindi ko pagsisisihan,” sagot niya.
Tumango-tango ito. “Kung ganoon, salamat. Malaking tulong iyon sa kumpanya ni Vince.”
Another long silence, pagkatapos ay muli itong nagsalita. “Gusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa iyon?”
Napayuko siya, muli na namang nag-umalpas ang mga luha sa mga mata niya. “Dahil nagkamali ako, Keira. Napakalaki ng pagkakamaling nagawa ko,” napahikbi siya. “Nasaktan ko siya ng sobra. Napakasama kong tao,” nagmamakaawa siyang tumingin dito. “Please, Keira. Save him. Gawin mo ang lahat para mailigtas ang kumpanya niya.”
Bumuntong-hininga ito at tumango. “Do you love him?” tanong nito na ikinagulat niya.
Hindi niya nagawang sumagot ng ilang sandali. Inabot niya ang puso at iisa lang ang isinisigaw niyong sagot. “Oo. Mahal na mahal ko siya,” lakas-loob na pag-amin niya. “Pero alam kong huli na ang lahat, ang tanging mahalaga na lang sa akin ay makitang masaya siya at nasa maayos na kalagayan.”
Muli itong tumango. Hahakbang na sana ito paalis nang muli siyang magtanong.
“N-Nasaan siya ngayon?” tanong niya. “Nasa… nasa mabuti ba siyang kalagayan?”
Tumingin ito sa kanya. “Nasa California siya, matagal na. Pero mukha namang mabuti na ang lagay niya doon.”
Tumango siya at nagpasalamat dito. Sapat na para sa kanya ang malamang mabuti ang lagay nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon