NAG-AALANGAN pang pumasok si Sophia nang gabing iyon sa loob ng apartment niya sa Makati. Kahit saang parte ay naaalala niya ang memorya ng kapatid, hindi niya alam kung makakatagal pa siya sa lugar na ito.
Humugot siya ng malalim na hininga at humakbang patungo sa loob ng kuwarto ng kapatid.
Hindi niya magawang tumingin sa kama nito kung saan may ilang pills pa rin ang nakakalat. Lumapit siya sa ilang gamit nito sa mesa at muli na namang namukal ang mga luha niya sa pagkakita sa mga larawan nito doon kasama siya. Marahan niyang itinaob ang mga iyon.
Lumapit siya sa laptop na naroroon at napatigil nang makakita ng isang note sa gilid niyon. Kinuha niya iyon at binasa. It was Jessie’s handwriting.
I can’t take it anymore. Hirap na hirap na ako. Minahal kita. Ibinigay ko sa’yo ang lahat. Bakit mo ito nagawa sa akin?
Napuno ng galit ang puso niya sa nabasa. Ano ba talagang nangyari sa kapatid niya? Binuksan niya ang laptop na naroroon at agad na sumalubong sa paningin niya ang mga larawan ng Vincent Fabella na iyon. Kumuyom ang kamao niya. Anong ginawa mo sa kapatid ko?
Pinakialaman niya ang laptop ng kapatid at nakitang nakabukas ang Yahoo account nito. Tiningnan niya ang ilang e-mails na naroroon. Halos lahat ay nanggaling sa contacts na ang naka-pangalan ay ‘Mymanvincent’. Kitang-kita sa mga palitan ng messages na naroroon na talagang may relasyon ang mga ito.
She scrolled up and saw the last two messages from him. It was sent the night before her sister died.
Jessie,
I’m really sorry pero hindi na kita magagawang balikan. I realized that I don’t really want to continue our relationship. Nakakapagod. Tigilan mo na rin ang kakukulit sa akin dahil wala ring mangyayari, hindi na magbabago ang isip ko.
Then she saw Jessie’s reply:
Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito. Magkaka-anak na tayo. Nangako ka, ‘di ba? Na hindi mo ako pababayaan. Pinaniwalaan kita!
Umiiyak na siya habang binabasa ang kasunod na sagot ng sa mensaheng iyon ng kapatid.
We’re over, Jessie. At hindi na magbabago ang desisyon ko, kahit na gamitin mo pa iyang dinadala mo. Kung nahihirapan ka, get rid of that child. We’re over and that’s final! Ginamit lang kita at napakadali mong pagsawaan. Kalimutan mo na lang ang lahat, isa ka lang sa mga pampalipas oras ko. Tigilan na natin ito.
Hinang-hina siyang napaupo sa sahig at malakas na umiyak. Damn you, Vincent Fabella! Damn you! Ikaw dapat ang nawala at hindi ang kapatid ko. Hayop ka! Pagsisisihan mo ang lahat ng ito! Ang lahat ng sakit na ipinadanas mo sa kapatid ko! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo!
Galit na galit niyang pinunasan ang mga luha sa mukha at tumayo. Magiging matatag na siya simula ngayon. Hindi siya papayag na makalusot ang lalaking iyon sa lahat ng ginawa nito sa kapatid niya. She would do everything to get her revenge for Jessie. She swore to ruin the life of that man— no, that monster.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...