Chapter 14.2

2.5K 39 1
                                    

KINAWAYAN ni Vincent si Sophia nang makita itong lumabas ng kumpanya nito ng hapong iyon. Agad naman itong ngumiti nang makita siya. Damn, that woman really had that indescribable ability to rock his world with just a tiny smile. Hindi niya alam kung ano ang ipinakain nito sa kanya para magka-ganoon siya dito.
Lumapit ito sa kinatatayuan niya malapit sa sasakyan niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.
“Gusto ko sanang imbitahan kang mag-dinner sa unit ko, nagluto ako ng makakain,” sagot niya. His heart was going round and round in his chest as he thought of his plan for the night. “Doon ka na rin matulog kung gusto mo.”
“May okasyon ba?” nagtatakang tanong pa nito.
“Wala naman, gusto lang kitang makasama ngayon,” ngumiti siya at binuksan ang passenger’s door ng kotse.
Napailing na lang ito at pumasok na sa loob. Umikot siya sa kabilang side pero bago pumasok ay kinapa niya muna ang ring box na nasa loob ng suot niyang suit. Ngumiti siya, sisiguraduhin niyang isa ito sa magiging pinaka-masayang araw nilang dalawa.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon