Chapter 2.1

3.3K 65 1
                                    

PAGKAPASOK ni Sophia sa apartment nila ay agad niyang nakita si Jessie na nakaupo sa sofa at may kausap sa cell phone nito. Kumunot ang noo niya nang makita ang ibang klase ng kasiyahan sa mukha nito habang nakikipag-usap sa katawagan.
Lumapit siya dito at noon lang nito napansin ang presensiya niya. “I’ll call you later, okay? Nandito na kasi si Ate,” paalam nito sa kausap.
Tumayo ito at humalik sa pisngi niya. “You’re here, nakapag-handa na ako ng hapunan mo,” ngumiti ito. “Lalabas kasi ako ngayong gabi at baka bukas na ako makauwi,” nagniningning pa ang mga mata nito.
“At saan ka naman pupunta?” tanong niya dito. Nitong nakaraang mga araw ay napapansin niya ang malimit nitong paglabas. Hindi naman nito sinasabi kung sino ang kasama nito.
“Lalabas lang kami ng mga kaibigan ko,” sagot nito. “Magre-ready na muna ako, Ate. Kumain ka na,” pagkasabi niyon ay tumungo na ito sa kuwarto nito para maghanda.
Nakatitig lang siya sa dinaanan nito. It was very obvious that her sister was in love. At sigurado siyang may ka-relasyon ito ngayon. Could it be that Vincent Fabella she kept on talking about? Bakit naman nito hindi ikinu-kuwento sa kanya ang tungkol doon?
Lumakad siya patungo sa sariling kuwarto at lumapit sa kinapapatungan ng laptop. She turned it on and searched the web. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang Vincent Fabella na iyon.
Ilang sandali lang ay binabasa niya na ang mga impormasyon patungkol dito. The man was twenty-eight years old – dalawang taon ang tanda sa kanya at anim na taon kay Jessie. Napahanga siya sa mga pag-aari nito. Maliban sa Fabella Group of Companies, pag-aari din nito ang Fabella Textile Factory dito sa Pilipinas, ang La Fabella Resort sa Bantayan Islands, at home-listing sa California. Nandito na sa lalaking ito ang lahat ng maaaring hilingin ng isang babae para sa isang asawa.
Pero ang hindi niya nagustuhan ay ang mga artikulo na naglalaman ng tungkol sa pagiging babaero nito. He changed his woman almost every week and he had left many broken hearts in his whole life. Well, hindi niya naman masisisi ito. He was so good-looking and everything.
Pero kahit na. Hindi pa rin tama ang ginagawa nitong pagpapalit-palit ng babae. At hindi niya rin hahayaang itulad nito sa mga babae nito si Jessie.
Mabilis niyang ini-off ang laptop at tumungo sa closet para magpalit ng damit. Nagsuot siya ng itim na pantalon at simpleng t-shirt, pinalitan niya rin ang sandals ng rubber shoes. She even wore a cap and dark shades para maitago ang itsura.
Susundan niya ang kapatid ngayong gabi. Dapat niyang masigurado kung saan ba ito patungo at kung may relasyon ba talaga ito at ang Vincent Fabella na iyon.
Hinintay niyang marinig ang paglabas nito ng apartment bago siya nag-desisyong lumabas ng kuwarto at sundan ito.
Sumakay siya ng taxi at pinasundan na lang ang sasakyan ng kapatid. Hindi niya gustong mahuli nito kapag ginamit niya ang sariling sasakyan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon