Chapter 7.1

2.7K 50 1
                                    

NAPATINGIN si Sophia kay Rachel Leigh nang lumabas ito sa apartment nito sa Santolan, may kasama itong isang babaeng sa tingin niya ay college student pa lamang. Naisipan niya kasing bisitahin ito dahil nais niya sanang itanong kung maaari niyang makausap si Drake.
Lumapit siya sa mga ito. “Rachel, paalis ka ba?” tanong niya dito.
“Oo, ihahatid ko sana si Ciarrah sa school niya,” sagot nito. “Ito nga pala si Ciarrah. Ciarrah, ito si Sophia,” pagpapakilala nito sa kanila.
“Oh!” sambit ng Ciarrah na iyon. “Ikaw ba ‘yong bagong kaibigan nitong si Ate Rachel? Sophia Delacion? Ako nga pala si Ciarrah de Angelo, pinsan ako ni Kuya Michael. Iyong Hollywood actor.”
Napangiti siya sa dami na agad ng nasabi nito. “Ako nga.”
“Nabanggit sa akin ni Ate Rachel na may gusto ka raw paghigantihan pero hindi niya naman sa akin sinasabi kung sino—”
“Ciarrah,” saway dito ni Rachel. “I’m sorry, Sophia. Hindi ko sinasadyang mabanggit sa kanya kagabi,” baling naman nito sa kanya.
Ngumiti siya. “Ayos lang ‘yon.”
Napalabi si Ciarrah. “Walang ayos doon,” wika pa nito. “Kung sino man iyong paghihigantihan mo, hindi pa rin iyon tama. Sabi sa akin ng Mommy ko noong nabubuhay pa siya na hindi magandang maghiganti sa isang tao.”
Napabuntong-hininga siya. “Hindi mo alam kung ano ang nangyari, Ciarrah. Kung ikaw ang nasa katayuan ko, siguradong ganito rin ang gagawin mo.”
Nagkibit-balikat ito. “Ang dahilan siguro kung bakit galit na galit ka diyan sa nais mong paghigantihan ay dahil palagi ka na lang nakatingin sa black side niya. Kaya patuloy kang nade-depressed, malay mo may mabuti din pala siyang side.”
“Wala na, sigurado ako doon,” sagot niya. Hindi niya gustong makipagtalo dito kaya minabuti niyang mag-paalam na sa mga ito. Magpapalipas na lang siguro muna siya ng oras ngayong araw sa restaurant nila sa Quezon City.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon