Chapter 10.3

2.7K 53 2
                                    

NAKITA ni Sophia ang pagtayo ni Vincent sa upuan nito nang makita siyang pumasok sa loob ng opisina nito. Agad itong ngumiti at lumapit sa kanya.
“Anong ginagawa—” hindi na nito naituloy ang sasabihin nang higitin niya ang suot nitong necktie at halikan ito sa mga labi.
Tinitigan siya nito, desire sparked in his eyes. Ngumiti siya. Sa loob ng ilang buwan na kasama niya ito, nasanay na siyang gawing manhid ang sarili sa paghalik dito. Itinatak niya sa isipan na kailangan niyang gawin iyon para mas maging makatotohanan ang pagpapanggap niya.
Hinila niya ito sa settee na naroroon at umupo sa kandungan nito. “Saan mo balak mag-dinner?” tanong niya dito.
He tucked her hair on her left ear. “Sa labas na siguro, madami pa akong aasikasuhin pag-uwi ko sa unit ko mamaya. Hindi na ako makakapag-luto.”
Tumango siya. Alam niyang sa condominium unit nito sa Las Piňas ito madalas tumutuloy at minsan lang sa bahay ng mga ito sa Greenhills. “Minsan naiisip ko na ipagluto ka sa unit mo tuwing maaga akong nakakauwi,” aniya. “Pero hindi ko naman alam kung paano ako makakapasok.”
Tumawa ito at hinaplos ang pisngi niya. “You are so sweet,” may dinukot ito sa bulsa ng suot nitong suit at iniabot sa kanya. Isa iyong susi. “Take it,” sabi nito.
Kumunot ang noo niya at kinuha iyon. “Para saan ito?”
“Duplicate iyan ng susi ng unit ko,” sagot nito. “Puwede kang pumunta doon at ipagluto ako kung gusto mo.”
Ngumiti siya at kumislap ang mga mata. Success. Mapapasok niya na rin ang pribadong lugar nito ng walang kahirap-hirap.
She changed her position and sat astride him. Hindi niya inaasahan na makukuha niya ang lahat-lahat dito sa pamamagitan ng pang-aakit. “I missed you,” bulong niya, pinapungay niya pa ang mga mata.
Bumagal na ang paghinga nito habang nakatitig sa kanya. “I missed you too, sweetheart,” he whispered huskily. “So beautiful.”
Ngumiti siya ng nakakaakit at inilapit ang mukha sa mukha nito. Hinalikan niya ito sa mga labi at naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap nito sa baywang niya. Simple lang ang halik na pinagsasaluhan nila hanggang sa unti-unting lumalim iyon ng hindi niya namamalayan.
His tongue lightly licked her lower lip and she voluntarily opened her mouth to let his tongue play with hers. Napaungol siya at napasabunot sa buhok nito. She could feel that wonderful tingling sensation filled her whole being from that kiss.
Naramdaman niya ang matigas na bagay sa kinauupuan niya at iyon ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Mabilis niyang pinutol ang halik at gulat na napatingin dito. What was she doing?! Bakit siya nagpadala sa halik nito?
Bumahid ang pagtataka sa mukha nito pero hindi niya iyon pinansin at umalis sa pagkakaupo dito. Lumipat siya sa tabi nito.
Humarap ito sa kanya at itinaas ang mukha niya ng isa nitong kamay. “I’m sorry, sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko,” anito sa magaspang pa rin na tinig.
Pinilit niyang tumingin dito at ngumiti. “It’s okay,” bumuntong-hininga siya. “Oo nga pala, narinig ko ‘yong tungkol sa mga bagong produkto ninyong inila-launch kada simula ng taon,” malambing niyang inihilig ang ulo sa balikat nito. “May plano na ba kayong product para sa susunod na taon? Malapit-lapit na rin iyon.”
Bumuntong-hininga ito. “Hindi pa namin napagde-desisyunan ang tungkol sa bagay na iyan. Mag-uusap-usap pa kami at magpa-plano sa susunod na buwan. Mahirap din iyon at siguradong panibagong busy schedule na naman ang mangyayari.”
Tumango-tango siya. “I can help you, if you want.”
Tumawa ito at hinaplos ang buhok niya. “Marami ka ring kailangang asikasuhin sa kumpanya mo at sa partnership natin. Ayoko ng dagdagan pa iyon.”
Hindi na lang siya sumagot. Wala naman talaga siyang balak tumulong. Sinabi niya lang iyon para magmukhang concern din siya sa business nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon