LUMAKAD si Sophia papasok sa isang hindi na nagagamit na pier kung saan sinabi ni Drake na naroroon si Vincent. Patuloy sa malakas na kabog ang puso niya habang hinahanap ito.
Ilang sandali lang ay nakita niya na itong nakatali at nakaupo sa isang upuan malapit sa isang cargo na naroroon.
“Vincent!” tawag niya dito. Tatakbo na sana siya palapit dito nang makita ang paglapit dito ng dalawang lalaking alam niyang tauhan ni Drake. Sigurado siyang may mga armas ang mga ito.
Nakita niya ang pag-angat ng ulo ni Vincent at ang pagkagulat nito sa pagkakita sa kanya. “Sophia, bakit ka nagpunta dito?” puno ng takot ang boses nito.
Napaiyak na siya sa nakikitang sugat at pasa sa mukha nito. Wala na siyang pakialam sa dalawang lalaking naroroon at tumakbo palapit kay Vincent. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Vincent, I’m sorry.”
“Damn it, sweetheart. Why did you come here?” galit na tanong nito. “Umalis ka na, Sophia. Please, masasaktan ka lang dito.”
Marahas siyang umiling. “No, I’m not leaving you, Vince. I won’t. Ako ang may kasalanan nito. Hindi ko mapapayagang masaktan ka.”
“Sa tingin mo ba gusto kong masaktan ka, Sophia? Umalis ka na!” sigaw nito.
Hindi niya na ito pinansin at hinarap ang mga lalaking naroroon. “Nasaan si Drake? Nasaan siya?!” bulyaw niya.
Nagkibit-balikat ang isang lalaking naroroon. “Wala siya dito,” sagot nito. “Pero huwag kang mag-alala, mayroon naman silang ipapadala para tumapos sa kung sino man sa inyo.”
Napatingin siya sa isa pang lalaki nang lumakad ito palapit sa kanya. “Pero bago iyon, may gusto muna kaming ipakita sa’yo. Utos ito ni Drake sa amin,” hinawakan nito ang braso niya at hinila siya palayo kay Vincent.
Nagpumiglas siya pero hinawakan pa nito ang isa pang braso niya para mas lalo siyang hindi makagalaw. Narinig niya ang pagmumura at pagsigaw ni Vincent. Pagtingin niya dito ay nakita niya pa nang malakas itong sinuntok sa sikmura ng lalaking nasa tabi nito.
“No!” sigaw niya, pilit siyang kumakawala pero hindi niya magawa.
Patuloy na pinagsusuntok ng lalaking iyon ang mukha at katawan ni Vincent sa harapan niya.
“No! Tama na!” malakas siyang sumigaw at sinabayan pa ng pag-iyak. “Tama na! Huwag siya! Parang awa niyo na…” nakita niya ang pagsuka ng dugo ni Vincent. “V-Vincent…” Tama na! Tama na! Hindi niya na kaya pang makita ang paghihirap nito. Gusto ng bumigay ng katawan niya pero hindi siya puwedeng mawalan ng malay dito. Hindi puwede! Kailangan niyang iligtas si Vincent!
Malakas na sinipa ng lalaki ang sikmura ni Vincent na naging dahilan ng pagbagsak ng kinauupuan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang kumuha ng isang kahoy ang lalaki at sinimulang ihampas iyon kay Vincent.
“No! No! No!” she tried hard to run after him but she couldn’t. “T-Tama na… Tama na…” naramdaman niya na ang panghihina ng tuhod niya.
Aktong hahampasin ulit nito si Vincent nang mapatigil ito sa pagkarinig sa tunog ng motor na paparating. Nalipat ang tingin niya sa isang itim na motor na tumigil ilang hakbang ang layo kay Vincent at sa lalaki.
“Mabuti naman at dumating ka na,” wika ng lalaking nanakit kay Vincent sa black rider na dumating. Purong itim ang kasuotan nito at natatakluban ng itim na helmet ang ulo.
Lumayo ang lalaki kay Vincent. “Sige na, gawin mo na ang ipinag-uutos sa’yo. Tapusin mo na ang alinman sa kanila,” utos pa nito.
Ilang sandaling nakatigil ang taong nasa motor bago nito hinugot sa likod ang isang baril. Itinapat nito iyon kay Vincent.
Mabilis siyang kumawala sa lalaking may hawak sa kanya at laking pasasalamat niya nang pakawalan siya nito. Tumakbo siya patungo kay Vincent at iniharang ang katawan dito.
“P-Parang awa mo na,” pagmamakaawa niya, patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha niya. “H-Huwag siya… a-ako na lang… parang-awa mo na… ako na lang…”
Narinig niya ang pag-ubo ni Vincent sa likod. “S-So-Sophia…” pilit nito sa nanghihinang tinig.
Umiling siya. “K-Kasalanan ko ito… ako ang dapat na maghirap… please… a-ako na lang…” tumitig siya sa salamin ng helmet nito, pilit pinaaabot ang damdamin dito. Kilala niya ito. Rachel Leigh, please… huwag siya… “Mahal na mahal ko siya…” Nakahanda siyang i-sakripisyo ang buhay para dito dahil sobrang-sobra ang pagmamahal niya dito.
Nakita niya ang pangangatal ng hawak na baril sa kaliwang kamay ni Rachel Leigh habang nakatingin sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata nang marinig ang nakabibinging pagputok ng baril. Napamulat siya nang maramdaman ang pagbagsak ng lalaking nasa tabi nila, may tama na ito sa kanang binti at sumisigaw na sa sakit.
Bago pa makabunot ng baril ang isa pang lalaki ay nabaril na ito ni Rachel sa binti. Mabilis siyang kumilos at kinuha ang mga armas mula sa mga ito bago pa ng mga ito mabunot ang mga iyon.
Bumaba ng motor si Rachel at kinuha sa kanya ang mga baril para itapon iyon sa dagat na hindi kalayuan. Lumapit naman siya kay Vincent na wala ng malay at pinilit buhatin ito patayo. Tinulungan siya ni Rachel hanggang sa makasakay na sila sa motor at humarurot iyon palayo.
Mahigpit niyang hinawakan si Vincent na nasa gitna para hindi ito mahulog. Patuloy rin siya sa pagdarasal para dito. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa pinakamalapit na ospital. Nang mailagay sa stretcher si Vince at maipasok sa E.R. ay napalingon siya kay Rachel Leigh na walang imik na sumakay sa motor nito at umalis.
Thank you, Rachel… Thank you so much… Sana makalaya ka na rin sa kanila. Salamat. Tatanawin niyang malaking utang na loob ang pagliligtas nito sa kanila. Alam niyang siguradong magagalit si Drake at Anthony sa ginawa nito at ipagdarasal niya ang kaligtasan nito.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...