Chapter 17.6

3K 47 1
                                    

NAKATITIG lamang si Sophia sa mga batang masayang naglalaro sa playroom ng kabubukas pa lamang na arts school nila dito sa Tagaytay. Pilit man niyang pinagbabawalan ang sarili ay hindi niya pa rin maiwasang alalahanin ang mga sinabi sa kanya ni Vincent noon – ang mga plano nito kapag nagka-anak na sila.
Her tears started falling again, her heart shouting pain and suffering, her mind telling her how foolish she was. Napatingin siya sa isang batang babaeng lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang mukha niya at tinanong kung bakit siya umiiyak.
Pinunasan niya ang mga luha at pinilit ang sariling ngumiti. “Napuwing lang ako,” sagot niya. “Sige na, makipaglaro ka na ulit sa kanila.”
Tumango naman ito at muling bumalik sa pakikipaglaro. Nitong nakaraang mga linggo ay sinusubukan niyang maging masaya, sinusubukang kalimutan ang nakaraan.
Pinagsisisihan niya ang lahat ng mga nagawa niya, ang mga maling desisyon niya. Hindi na lang dapat siya nag-isip na maghiganti para hindi na siya nakasakit ng pagkarami-raming tao.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon