Chapter 19.4

3.3K 57 1
                                    

ONE month wait was over, dumating na ang pinakahihintay na araw ni Sophia at hindi niya magawang maipaliwanag ang sayang bumabalot sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon.
Sa loob ng isang buwan ay wala siyang ibang ginawa kundi ang manatili sa tabi ni Vincent at suportahan ito sa pagpapatakbo nitong muli ng kumpanya nito. Sa condominium unit nito na siya tumutuloy dahil iyon ang kahilingan nito at wala na rin naman kasi siyang ibang matutuluyan. Sa loob din ng isang buwan ay pinilit niyang kuhanin muli ang loob ng kapatid nitong si Kenny. Kahit hindi pa rin siya nito gaanong kinakausap ay masaya siyang bahagya na ring humuhupa ang galit nito.
Napatingin siya sa Mama Anya ni Vince nang pumasok ito sa kuwartong kinalalagakan niya kung saan siya inaayusan ng Tita Joyce niya. Nalipat ang tingin niya sa likod nito nang makita doon si Kenny, nakasuot ito ng itim na tuxedo.
“Joyce, tulungan mo muna daw mag-ayos si Jasmine,” ani Mama Anya.
Tumango naman ang Tita Joyce niya at iniwan na silang dalawa ni Kenny sa loob ng kuwarto. Tumayo siya at lumapit dito.
“Kenny,” bati niya dito. “Salamat dahil dadalo ka sa kasal namin ni Vince.”
Umiwas ito ng tingin sa kanya. “Wala akong magagawa, ako ang piniling best man ni Kuya,” sagot nito.
“I’m really sorry, Kenny. Sana magawa mo akong mapatawad,” mula sa pusong paghingi niya ng tawad dito, may mga namumuo ng luha sa mga mata niya.
Napatingin ito sa kanya. “Huwag kang umiyak, Sophia. Magagalit si Kuya kapag pina-pangit kita sa kasal niya.”
She broke into a smile.
Napabuntong-hininga ito. “Ayos lang ‘yon,” sabi nito. “Kalimutan na natin ang lahat. Patawarin mo rin ako sa mga nasabi ko noon. Basta ba sisiguraduhin mong hindi mo na ulit siya sasaktan at iiwanan.”
Tumango siya at niyakap ito. “Maraming salamat, Kenny. Salamat.”
Lumayo ito sa kanya. “Wala ‘yon. Sige na, magsisimula na ang kasal niyo… Ate,” ngumiti ito.
Ngumiti din siya at lalong nadagdagan ang kasiyahan sa puso niya ng mga oras na iyon. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binigyan pa siya nito ng pagkakataong ayusin ang lahat ng pagkakamali niya.
“I now pronounce you husband and wife.”
Napuno ng malakas na palakpakan ang buong paligid pero hindi magawang alisin ni Sophia ang pagtitig sa ngayon nga ay asawa niya ng si Vincent. Aktong hahalikan pa ulit siya nito nang lumapit na sa kanila ang mga kapamilya nito para magpaabot ng pagbati.
Ngumiti siya at binulungan ang asawang mamaya na ituloy ang nais gawin. Tumawa ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya nito pinapakawalan hanggang sa matapos ang mga pagbati at nagsimula na ang photo session.
Ang pinsan nitong si Daniel ang humahawak ng camera para kumuha ng larawan. “Okay, ready?” sigaw nito. “One, two, three, say kiss…” Lahat sila ay sumunod dito.
“Ayos na ba?” tanong dito ni Vince. Nahimigan niya ang pagmamadali sa tono nito.
“Crap,” ani Daniel. “Naka-video mode pala. Sorry,” ngumiti pa ito.
Napatawa siya, lalo na nang lumapit dito ang asawa nitong si Stefany at tinuruan ito sa hawak na camera. Tumingin siya kay Vincent at nakita ang pag-iling nito sa kapalpakan ng pinsan. Alam niyang hindi na ito makapaghintay na matapos ang lahat ng ito at masolo na siya. Isang buwan din itong nagtiis.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon