“GUSTO mo bang pumasok sa loob?” alok niya kay Vincent nang ihatid siya nito sa bahay niya sa Ayala matapos nilang tumungo kina Rafael at Ashlee.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito. “Hindi na muna, may kailangan pa akong asikasuhin sa kumpanya,” tanggi nito.
Tumango siya at ngumiti. “Ganoon ba?” lumapit siya dito at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi nito. “Thank you for today. Kung hindi dahil sa’yo, baka patuloy ko pa ring sinisisi ang sarili ko dahil kay Ashlee. Thank you.”
Ngumiti din ito at hinaplos ang pisngi niya. “You’re very welcome, sweetheart,” tugon nito. “Pumasok ka na at magpahinga. Tatawagan na lang kita.”
Lumabas na siya ng sasakyan at nagpaalam dito. Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan nito. Papasok na siya sa loob ng mapatigil siya sa paghakbang. Did she just thank him? Anong pumasok sa isip niya at nagawa niyang sabihin ang mga salitang iyon dito? Nakalimutan niya na bang ito ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya? Kahit na anong gawin nito ay hindi dapat siya magpasalamat. That man ruined her sister! Bakit ba minsan ay nakakalimutan niyang kailangan niya itong paghigantihan?
Gumising ka nga, Sophia! Huwag kang magpapadala sa kabaitang ipinapakita ng lalaking iyon! Sinungaling siya! Manloloko at walang puso!
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...