Chapter 3.1

3.1K 62 1
                                    

TUMABI si Sophia sa kapatid niyang si Jessie na nakaupo sa sofa habang nakatulala sa harap ng telebisyon. Tiningnan niya ito ng mabuti, parang hindi man lang nito namalayan na nakalapit na siya dito.
Jessie just kept on staring in space, hindi naman talaga ito nanonood.
“Jessie,” siniko niya pa ito para lamang maputol ang pagkatulala nito.
Gulat itong napatingin sa kanya. “A-Ate… k-kanina ka pa ba diyan?” tanong pa nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Sabihin mo nga sa akin, may problema ka ba?” Ipinagtataka niya na ang mga ikinikilos nito. Simula nang bumalik ito ilang linggo na ang nakalipas galing sa sinasabi nitong trabaho daw nito ay napansin niya na ang pagka-malungkutin nito at parang palaging may gumugulo sa isipan.
Inayos nito ang magulong buhok. Maging pag-aayos ng sarili ay hindi na nito nagagawa. “W-Wala,” nahimigan niya ang panginginig sa tono nito. “Medyo nagka-problema lang ako sa trabaho.”
“Sa trabaho mo doon sa Vincent Fabella na iyon?” she probed.
Napatingin ito sa kanya at napangiti. “Yeah, masyado kasing maraming events ngayon sa kumpanya ni Vince,” napailing pa ito. “Pero ayos lang iyon, at least, nakikita ko siya.”
Ipinaikot niya ang mga mata. Hindi niya alam na may posibilidad palang mabaliw ang kapatid niya dahil lamang sa isang lalaki.
“Nakalimutan mo na ba si Jeremy, Ate?” narinig pa niyang tanong nito.
Tumingin siya dito. “Medyo,” ngumiti siya. “I mean, madali lang naman kalimutan siya kung hindi ko na siya iniisip. Patuloy ko rin itinatatak sa isipan ko na hindi siya para sa akin. After all, it was only a one-sided love in my side. Simula palang wala na talaga kaming future.” Hindi niya maintindihan kung bakit magaan na para sa kanya ang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon ngayon. Maybe she was really starting to forget. That was better.
Tumango ito. “Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon,” sabi nito. Nagtaka siya sa nahimigang kalungkutan sa boses nito. Bakit ba ito nagkakaganito? Parang hindi na ito ang masayahin niyang kapatid, napakalaki na ng ipinagbago nito.  Dahil ba sa Vincent na iyon?
Aktong magtatanong pa siya nang tumayo na ito at sinabing nais na nitong magpahinga. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito ng kuwarto nito. Something was definitely wrong, sigurado siya doon. Mukhang kailangan niya talagang lapitan ang Vincent na iyon at magbaka-sakaling itanong kung ano ang nangyayari sa kapatid. Siguradong ito lang ang makakasagot sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon