Chapter 14.3

2.5K 48 4
                                    

SUMUNOD lang si Sophia kay Vincent hanggang sa makapasok sila sa loob ng unit nito. Nagtaka pa siya nang hilahin siya nito patungo sa kuwarto nito, akala niya ba ay kakain sila? Kanina niya pa napapansin na parang may itinatago ito sa kanya at nagtataka na rin siya sa excitement na nasa mga mata at tinig nito.
Nang makapasok sila sa loob ng kuwarto nito ay napatigil siya sa paghakbang nang makitang punong-puno iyon ng iba’t ibang klase, hugis at kulay ng balloons. Bawat balloons ay may nakalagay na mga salitang ‘I love you, sweetheart’.
Gulat siyang napatingin dito na malawak pa rin ang pagkakangiti. “Inihanda ko ito para sa’yo,” anito.
Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mahulaan kung ano ang balak nitong gawin ng mga oras na iyon. Hindi niya nagawang umimik hanggang sa kumuha ito ng isang balloon at iniabot sa kanya.
Nangangatal pa ang kamay niya nang kunin iyon, bumagal na rin ang paghinga niya.
“I love you, sweetheart,” buong pagmamahal na wika nito. Seryoso ang mukha nito at bahagyang nanginginig pa ang boses dahil sa emosyon. “I love you so much. Tuwing pumapasok ka sa isipan ko, parang napaka-payapa ng lahat. Sobrang saya ko ngayong oras na ito dahil sa’yo at gusto kong panatilihin ang kasiyahang ito sa puso ko habang-buhay,” may dinukot ito sa bulsa ng suit nito. It was a ring box. Binuksan nito iyon at kinuha ang singsing na naroroon bago lumuhod sa harapan niya.
Pinigilan niya ang sariling kakitaan ng emosyon ng mga oras na iyon kahit gustong-gusto niya ng maiyak sa hindi malamang dahilan.
“I want you to be my wife, Sophia,” he proposed, his voice still trembling. “I want you to stay with me for the rest of my life. Please marry me.”
Inabot nito ang kaliwang kamay niya para isuot sa palasingsingan niya ang singsing pero hinigit niya ang kamay na hawak nito. Nagtataka itong napaangat ng tingin sa kanya.
Animo’y malamig na yelo ang mga mata niya nang tumingin dito. “I don’t want to marry you, Vincent,” buong diin na tanggi niya.
Bumahid ang pagkagulat sa mukha nito sa sinabi niya. Marahan itong napatayo. “W-What are you saying, sweetheart?” napailing ito. “N-Nagulat ba kita? Ayos lang kung—”
“Hindi talaga kita gustong pakasalan, Vincent. Bakit? Dahil hindi na kita gusto,” puno ng pait na putol niya dito.
Napatingin ito sa kanya, may dumaang sakit sa mga mata nito. “S-Sophia, ano bang—”
Umismid siya. “Sasabihin ko sa’yo ang totoo, Vince. Matagal na akong nakahanap ng iba. Isang lalaking mas lamang kaysa sa’yo. Pinilit ko lang pakisamahan ka dahil naaawa ako sa’yo,” nagkibit-balikat siya. “Pero hindi ko na kaya. I can’t stand being with you anymore.”
Marahas itong napailing. Punong-puno na ng sakit ang mga mata nito. “No, Sophia. Bakit mo ba sinasabi ang mga iyan?” his voice pained as well.
“Dahil iyon ang totoo!” sigaw niya. “Sa maniwala ka o sa hindi, hindi na talaga kita gusto. I don’t even love you. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at nakatagal akong makasama ang isang katulad mo,” iginala niya ang paningin sa paligid. “This proposal. Gosh, it’s disgusting!”
Nang muli niyang ibalik ang tingin dito ay pinigilan niya ang sariling makaramdam ng awa sa nakitang pagluha nito. Ganyan rin ang naramdaman ni Jessie, Sophia. Tandaan mo ‘yan!
“This relationship has come to a head, Vince. At ang gusto kong mangyari ay maghiwalay na tayo,” pagpapatuloy niya. “Hindi ko na kayang makisama sa’yo.”
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. Mabilis niyang tinabig ang mga kamay nito.
Napaluhod na ito sa harapan niya. “S-Sophia… parang awa mo na,” pagmamakaawa nito habang patuloy sa pagluha. “Huwag mo namang gawin sa akin ito. Anong kailangan kong gawin? Sabihin mo.”
Iniiwas niya ang tingin dito. “Hindi mo ako madadala sa pagmamakaawa mo. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Tapos na tayo. Pinagsawaan na kita at naging masaya naman ako na gawing pampalipas oras ka. Tigilan na natin ito.” Masakit, hindi ba? Iyan din ang mga salitang sinabi mo sa kapatid ko noon. Ibinabalik ko lang sa’yo.
Hindi niya na ito hinintay na magsalita at nilisan na ang lugar na iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon