Chapter 19.2

3.3K 52 1
                                    

ILANG beses nang pabalik-balik si Sophia sa labas ng apartment niya para tingnan kung dumating na si Vincent. Alas-sais na ng gabi pero wala pa rin ito. Kanina pang nakaalis si Erika para pumunta sa nobyo nito kaya mag-isa na lang siya sa loob ng apartment.
Muli siyang lumabas at umupo sa isang malaking bato na naroroon habang nakatingin sa daan. Matagal siyang naghintay doon pero wala pa rin talaga ito. Pumasok siya sa loob para iayos ang mga maleta sa sala. Inabala niya ang sarili sa panonood ng T.V. pero ang pansin niya ay nasa pinto.
Pasado alas-diyes na ng gabi nang muli siyang lumabas. Madilim na ang paligid at ang tanging nagpapaliwanag na lang ay ang poste ng ilaw sa daan. Muli siyang umupo sa bato at matiyagang naghintay. Hindi naman nagbago ang isip nito, hindi ba?
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pag-iyak. Hindi. Sinabi nitong babalikan siya nito. Sinabi nitong isasama na siya nito. Mahal siya nito, hindi na magbabago ang isip nito. Paulit-ulit niya iyong itinatatak sa isipan niya.
Napatayo siya nang makita ang isang paparating na sasakyan pero lumampas lamang iyon. Muli siyang napaupo at napaiyak na. Babalik ito, nangako ito at alam niyang tumutupad ito sa mga sinasabi nito.
Napatigil siya sa pag-iyak nang marinig ang pagbusina ng isang sasakyan. Halos lumundag ang puso niya nang makita ang paglabas doon ni Vincent.
Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito ng mahigpit. “Akala ko hindi ka na babalik,” hikbi niya.
Tumawa ito at bahagya siyang inilayo. Pinunasan nito ang mga luha sa mukha niya. “Don’t cry. Pasensiya ka na kung na-late ako. May pina-asikaso kasi sa akin si Mama,” pagpapaliwanag nito.
Tumango siya at ngumiti. “Naiintindihan ko,” sambit niya at siniil ng halik ang mga labi nito. Sobrang na-miss niya ito.
Agad naman nitong tinugon ang halik niya at hinapit siya sa baywang. Pumasok na ang mga kamay niya sa loob ng suot nitong shirt at pinaglandas ang mga iyon sa katawan nito. Umungol ito nang bumaba ang mga kamay niya at sinimulang kalasin ang sinturon ng pantalon nito.
Bahagya itong napalayo sa kanya, marahas ang paghinga. “Sweetheart, what are you doing? Nasa labas tayo,” natatawang paalala nito.
Lumabi siya at sumulyap sa apartment na nasa likod nila. Aktong magsasalita siya nang maunahan siya nito.
“No,” he hissed. “Get in the car,” magaspang na utos nito.
Tumingin siya dito nang buksan nito ang likod na pinto ng kotse. Pumasok siya sa backseat at nahiga doon, sumunod lang ito sa kanya. Wala na siyang pakialam kung nasaang lugar sila, ang mahalaga ay kasama niya ito.
He just watched her in amazement as she took off her dress on her own, along with her undergarments. Sunod niyang hinubad ang suot nitong shirt at pinugpog ng halik ang matitipuno nitong dibdib. Napabuntong-hininga ito.
Bumaba ang mga kamay niya sa suot nitong pantalon habang ang isang kamay nito ay nasa dibdib niya na. Tumawa pa ito nang mapansin ang frustration sa mukha niya dahil hindi niya agad magawang kalasin ang sinturon nito. Ito na ang gumawa niyon.
She licked her lips as soon as he was out of his remaining clothes. She wrapped her legs around his waist and pulled his head for a searing kiss. Their bodies already joined as one and she met his thrusts in an instinctive dance.
Ang mga ungol at paghahabol sa hininga na lang nila ang maririnig sa loob ng sasakyan. Her head almost reached the other door of the car but she didn’t mind. She could hardly breathe, or even think, and then she reached the top along with him. Walang lakas na bumagsak ito sa ibabaw niya.
Ngumiti siya at isinubsob ang mukha sa leeg nito, inhaling the enthralling scent of his skin. Ilang sandali ang lumipas bago bumalik sa normal ang mga paghinga nila.
He was about to pull back but she tightened the lock of her legs around his waist. “Don’t go,” she begged. She didn’t want to lose the connection of their bodies.
Tumawa ito. “Pero kailangan pa nating ayusin ang mga gamit mo, sweetheart,” sabi nito.
“Tapos ko ng gawin ‘yon,” sagot niya. Hinaplos niya ang buhok nitong umaabot na sa leeg nito.
Ngumiti ito. “Kung ganoon, kailangan na nating umalis. Madaling-araw na.”
Inilapit niya ang mukha dito. “Again. And then we can go,” she teased.
Humagalpak ito ng tawa. Oh, she loved seeing him laugh and smile.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon