Chapter 6.1

2.9K 59 1
                                    

TUMIGIL si Sophia sa paglalakad at tumingin sa paligid. Wala naman masyadong tao dito sa labas, mas mabuti na ang ganoon.
She pasted a smile on her lips. He must fall in love with me… he must suffer, she thought while looking at the bastard in front of her.
“You look beautiful in that dress, by the way,” wika nito at malagkit na pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.
“Thank you,” sagot niya. “And you look very handsome just like before.”
Ngumiti ito. “You never complimented me before.”
“Oh,” lumapit siya dito at marahang hinaplos ang braso nito. “Nahihiya kasi ako noon. Hindi ko akalaing makakaharap kita.”
Tumawa ito. “Akala ko ba hindi mo ako sinusundan ng gabing iyon?”
Tumawa rin siya, hindi niya alam na marunong pala siyang umarte. Gusto niyang purihin ang sarili dahil doon. “At naniwala ka naman,” aniya. Mas lalo pa siyang lumapit dito. Ilang sandali niya itong tinitigan sa mga mata bago ibinaba ang tingin. “Actually, matagal ko ng sinusubaybayan ang mga articles tungkol sa’yo,” pagsisinungaling niya.
“At bakit naman?” tanong nito.
Pinilit niyang muling ibalik ang tingin dito. Say it, Sophia. Pilitin mo ang sariling sabihin iyon kahit mahirap. Lie! Lie! Lie! Dahil sinungaling at manloloko rin ang lalaking iyan! “Hindi pa ba halata?” sabi niya. She stared at him, her eyes fluttering. “I like you… so much.”
Malawak ang naging pag-ngiti nito. Gusto niyang sabihing nagsisinungaling siya ng mga oras na iyon at ipamukha dito na kinamumuhian niya talaga ito pero hindi puwede. Kailangan niyang kontrolin ang galit niya para maituloy ang lahat ng plano niya.
Muli niyang ikinawit ang mga kamay sa leeg nito at idinikit dito ang katawan. Lumabi siya. “Pero alam kong hindi puwede dahil narinig kong may idine-date ka raw ngayon. That model,” tukoy niya sa modelong nali-link dito ngayon.
Bumuntong-hininga ito. “We go out, yes,” anito. “Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi naman talaga ako seryoso sa kanya. Actually, ganoon din naman siya.”
Yes, pampalipas oras mo lang din siya, hindi ba? Katulad ng ginawa mo kay Jessie. You bastard! I hate you so much! Hinding-hindi ka na talaga magbabago. Gustong-gusto niyang isigaw ang mga iyon dito.
“Really?” ngumiti siya. “That’s better,” she held a lingering gaze a few more seconds than usual, pinipilit umakto na gustong-gusto niya talaga ito kahit diring-diri na siya sa pagkakalapit ng mga katawan nila.
“Wait,” wika nito. “Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo.”
She giggled. “Oh yeah, nakalimutan ko. I’m Sophia. Sophia Delacion. I owned the Delacion International Corporation,” binigyang diin pa niya ang apelyido niya.
“Delacion?” napaisip ito. “Is there a chance na kilala mo si Jessie Delacion?”
Pinigilan niya ang sariling magpakita ng kahinaan sa pagbanggit nito sa pangalan ng kapatid na para bang wala itong ginawang masama dito. Smile, Sophia. Smile. Smile. Smile.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis. “Yes, kapatid ko siya,” sagot niya. “Hindi ko alam na kilala mo siya.”
Ngumiti ito. “Oo. She’s a very good friend of mine.”
Liar! You stupid liar! Gusto niya ng lumayo dito at sampalin ang pagmumukha nito. “Ganoon ba?” tumango-tango siya. “Hindi ka niya nababanggit sa akin.”
Nagkibit-balikat lang ito. “Kumusta na nga pala siya? Matagal ko na rin siyang hindi nakikita.”
Bahagya siyang lumayo dito at inilipat ang tingin sa damuhan. Kumusta na siya? May gana ka pang magtanong ng ganyan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pag-iyak. Kaya mo ito, Sophia. Huwag kang magpakita ng kahinaan sa harap niya.
“Is there something wrong? May nangyari ba sa kanya?” tanong nito at hinawakan ang balikat niya.
Gusto niyang tabigin ang kamay nito pero hindi niya ginawa. Ngumiti siya at muling tumingin dito. “Wala naman, umalis kasi siya noong isang linggo. Pumunta siya sa Amerika para doon muna makituloy sa mga kamag-anak namin doon. Mukhang matatagalan pa siya doon,” pagsisinungaling niya.
“Ganoon ba?” tumango-tango ito.
“Huwag na natin siyang pag-usapan,” wika niya. “Naalala ko, matagal na talaga kitang gustong makaharap dahil nais ko sanang mag-alok ng partnership sa kumpanya mo. May maganda kasi akong ideya para sa isang business. At dahil pareho namang kilala ang mga kumpanya natin, why don’t we try having a business partnership?” muli siyang lumapit dito at namumungay ang mga matang tinitigan ito. “I would really love to see you more.”
Ngumiti ito, may kislap sa mga mata. “That’s a very good idea,” sabi nito. “Puwede nating pag-usapan iyan sa opisina ko kung kailan ka available.”
“Available ako kahit na anong oras para sa’yo, Vince,” bulong niya sa nang-aakit na tono. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito. “I guess we need to go. Mukhang marami ka pang dapat ayusin at inuubos ko na ang oras mo,” humakbang siya palapit dito at hinalikan ito sa pisngi. “I’ll see you soon, Vincent,” she smiled and turned around to walk away from him.
Taas-noo pa rin siyang naglakad palayo. Nagsisimula pa lang ako, Vincent Fabella. Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon