AGAD silang sinalubong ng Mama Anya ni Vincent nang makapasok sila sa loob ng mansiyon ng mga ito sa Greenhills. Napag-alaman niyang kaarawan pala ng Mama nito ng araw na iyon. Binati niya ito kahit medyo naiilang pa siyang pakiharapan ito.
Mabait ang Mama nito at asikasong-asikaso siya na para bang isa na rin siya sa mga kapamilya nito. Maganda pa rin ito sa kabila ng edad nitong fifty-two.
Napatingin siya kay Vince nang magpaalam ito sa kanya dahil may kakausapin lang daw ito. Gusto niya sanang sumunod dito pero nakakahiya namang iwanan ang Mama nito na halatang nais pang makipag-kuwentuhan sa kanya.
“Masayang-masaya ako na mukhang isang matinong babae naman ang nobya ng anak ko,” ani ng Mama nito sa kanya. “Sa totoo, hindi ko gusto ang mga babaeng nababalitaan kong dine-date niya noon.”
Ngumiti siya. Ito ang dahilan kung bakit mahirap para sa kanya ang makaharap ang pamilya nito, she didn’t want to feel the guilt in her heart.
“Actually, ikaw ang unang ipinakilala sa pamilya ni Kuya Vince,” singit ng isang boses sa likod niya.
Napalingon siya at nakita ang isang babaeng sa tingin niya ay nasa teen years palang nito. The girl was beautiful wearing that pink dress. “Ako nga pala si Jasmine,” pagpapakilala nito. “Kapatid ako ni Kuya Vince. Sophia, right?” pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan niya. “Exactly my brother’s type. Pero mukhang magtatagal kayo, ah? Kasi dinala ka niya dito sa bahay.”
“Jasmine,” saway dito ng Mama nito. “Pagpasensiyahan mo na itong anak ko, hija,” baling nito sa kanya.
“Ayos lang po iyon,” magalang na sagot niya.
Tumawa si Jasmine. “I’ll see you around, Ate Sophia. Enjoy the party,” pagkasabi noon ay lumayo na ito sa kanila.
Napatingin siya sa Mama Anya ng mga ito nang magpaalam din ito at sinabing aasikasuhin lang ang mga bagong dating. Pagkaalis nito ay napabuntong-hininga siya at iginala ang paningin sa paligid. Mukhang ang saya-saya ng pamilya nito samantalang siya ay wala ng natira kahit isa. Pati ang kapatid niya na tanging lakas niya nitong nakaraang mga taon ay nawala na rin dahil dito. She wanted so much to destroy him para maramdaman nito ang pagdurusang nararamdaman niya.
Naputol ang pag-iisip niya nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. “Hey, sweetie,” bati nito sa malalim na tinig. “Hindi magandang mag-isa ka lang sa party na ito. Want me to accompany you?”
Guwapo din ang lalaki sa sarili nitong paraan pero hindi tatalab ang itsura o di kaya ang mga hirit nito sa kanya. Tinatamad pa siyang ngumiti dito. “I prefer to be alone. Thank you,” tatalikod na sana siya nang hawakan nito ang braso niya.
Naiinis niyang binawi iyon dito at tiningnan ito ng masama. Bago pa siya makapag-salita ay naunahan na siya ni Vincent na nakalapit na pala sa kanya.
“May kailangan ka ba sa girlfriend ko, Mr. Cojuanco?” ma-awtoridad na tanong nito sa lalaki. Vincent possessively held her waist and pulled her closer to him.
Tumingala siya dito at nakita ang kaseryosohan sa mukha nito habang nakatingin sa lalaking nasa harap.
“Wala naman,” sagot ng lalaki. Pinaglipat pa nito ang tingin sa kanila bago tumalikod at lumakad palayo.
Ngumiti siya nang ibaling ni Vincent ang tingin sa kanya. “Tinakot mo naman siya,” biro niya pa.
He beamed. “Kasalanan niya iyon. Ayokong may ibang lalaking tumitingin sa pag-aari ko.”
She put her finger on his lips. “Possessive,” she whispered. Yes, ganyan nga, Vincent. Fall for me.
Hinawakan nito ang kamay niya at inalis iyon sa mga labi nito. He leaned forward and softly kissed the tip of her nose. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi kaagad siya nakahuma.
“Come, I want to show you my room here,” wika nito.
Bigla siyang natauhan sa sinabi nito. “Room?” ulit niya, alam niyang may bumahid na kaba sa boses niya.
Kumindat na lang ito at hinawakan na ang kamay niya para hilahin siya paakyat sa itaas. Malakas ang kabog ng puso niya. Anong gagawin nila sa kuwarto nito?
Pagkapasok sa loob ng kuwarto nito ay agad na sumalubong sa paningin niya ang malaking kama na nasa gitna niyon. The room had an exquisite and manly furnishing pero hindi niya na iyon nagawang hangaan dahil sa pagbalot ng matinding kaba sa buong pagkatao niya.
Nasa loob siya ngayon ng kuwarto nito. Kahit na alam niyang posibleng isuko niya ang sarili dito para mas maging makatotohanan ang pagpapanggap ay hindi niya naman inaasahang ngayon na kaagad iyon. Hindi pa siya handa!
Marahan niyang binawi ang kamay na hawak nito. Alam niyang hindi na maitatanggi ang nerbiyos na nasa mukha niya lalo na nang humakbang ito palapit sa kanya. “V-Vince…” napaatras siya. “B-Baka h-hanapin ka ng Mama mo sa baba,” pagdadahilan niya para makatakas sa sitwasyong ito.
Napatawa ito ng malakas. “Relax, Sophia. Wala akong balak gawin sa’yo. Gusto ko lang ipakita ang kuwarto ko. Malay mo, balang araw, mahiga ka na rin dito katabi ko, hindi ba?” biro nito.
Tumingin siya dito at napangiti, nakahinga na siya ng maluwag. Naiinis niya itong hinampas sa dibdib. “Lumabas na tayo, baka kung ano pang isipin ng pamilya mo kapag napansin nilang nawawala tayo sa party.”
Pilyo itong ngumiti. “Hindi na sila makikialam sa kung anumang gawin natin,” tudyo nito.
Pinigilan niya ang pamumula ng mukha pero alam niyang hindi siya nagtagumpay. Umiling na lang siya at nauna ng humakbang patungo sa pinto. Nagulat pa siya nang magbukas iyon at pumasok ang isang lalaking nagulat din pagkakita sa kanila.
Bata pa ang itsura nito na sa tingin niya ay nasa twenty o twenty-one pa lang. Guwapo din ito at matangkad katulad ni Vince. Hula niya ay kapatid din nito ito kung hindi man ay pinsan.
“I’m sorry, Kuya. Naabala ko ba kayo?” tanong nito, his voice was deep.
“Hindi naman,” sagot ni Vincent at lumapit sa kanya. “Sophia, this is Kenny, my younger brother. Kenny, si Sophia, girlfriend ko.”
“I can see that,” pilyo pang ngumiti ang Kenny na iyon. “Kaya pala nawala ka na lang bigla sa baba,” umiling pa ito. “Alam ko na kung anong gagawin niyo dito.”
“It’s not what you’re thinking,” mabilis na wika niya.
Tumingin si Kenny sa kanya. “Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?”
Nagyuko siya ng ulo at hindi sumagot. Bakit ba siya naipit sa magkapatid na ito? Narinig pa niya ang pagtawa ni Vince sa tabi niya.
“Stop teasing her, Kenny,” anito sa kapatid.
“I’m not teasing her. Siya itong kung anu-ano ang iniisip,” sagot ni Kenny. “Ang ibig kong sabihin ay kaya mo siya dinala dito dahil manonood kayo ng Toy Story,” natatawang dugtong nito.
Hindi makapaniwalang napatingin siya dito at kay Vincent na nakisabay sa pagtawa ng kapatid. Napailing na lang siya hanggang sa magpaalam na si Kenny at iniwanan na sila.
“Toy story, huh?” wika pa niya kay Vince. “Iyon ba ang dahilan kaya mo ako dinala dito?”
Ngumiti ito. “Sort of,” pag-amin nito. “Napanood mo na ba lahat ng movies noon?”
“Ang totoo, hindi pa,” sagot niya. “I think it’s childish.”
“Hindi ah. Maraming matututunan doon,” pagtatanggol pa nito. “Paborito rin iyon ni Kenny, ayaw niya lang aminin.”
Tumango siya. “Mukhang close na close kayo ng kapatid mo, ah?”
“Yep. Siya na ang nakasabay ko sa paglaki kaya halos lahat ng tungkol sa bawat isa ay alam na namin.”
Katulad namin ni Jessie. Kung hindi dahil sa’yo, sana hanggang ngayon magkasama pa rin kami at masaya. Muli na namang nanumbalik ang galit at poot sa dibdib niya, ang sakit at kawalan.
“Your family seemed so happy and close,” she said.
Tumango ito at ngumiti. “We try to enjoy each other’s company as possible. ‘Yon ang natutunan namin sa biglaang pagkawala ni Papa. That we need to live life as much as we can, dahil hindi natin hawak ang oras natin dito sa mundo.”
At ikaw ang dahilan ng pagkasayang ng buhay ni Jessie dito sa mundo. Kung hindi mo siya sinaktan, pinaglaruan at iniwanan, hindi siya makakaisip na tapusin ang buhay niya!
Bumuntong-hininga siya. “You seemed so happy.”
Lumawak ang pagkakangiti nito. “I am, lalo na ngayong narito ka.”
She smiled, wickedness was behind that smile. That’s good, dahil hindi magtatagal ay aalisin ko ang kasiyahang iyan at papalitan ng hindi matatawarang pagdurusa.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...