NANG makabalik sila sa Manila ay sumama pa siya hanggang sa kumpanya ni Vincent at nagtaka pa sila sa nag-aalalang mukhang isinalubong ng sekretarya nito.
“Sheila, may problema ba?” tanong dito ni Vincent.
“S-Sir, iyong… iyong pabrika niyo po ng textile sa Laguna,” pagsisimula ni Sheila. “Sir, nasunog po iyon kagabi. Ang sabi ng mga awtoridad, sinadya daw po na sunugin iyon. May nakita daw po silang gasolina sa paligid. Milyon-milyon po ang napinsala.”
Nagulat siya sa sinabi nito, pagtingin niya kay Vincent ay nasa mukha din nito ang matinding pagkagulat.
Tumingin ito sa kanya. “Sophia, mukhang hindi muna kita maiintindi ngayon,” sabi nito at pinilit na ngumiti. “Tatawagan na lang kita, okay?” pagkatapos ay dumiretso na ito sa loob ng opisina nito kasama ang sekretarya.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang iyon. Nasunog ang pabrika nito – ang Fabella Textile Factory. Pero sino ang gagawa noon?
Natigilan siya nang biglang may pumasok sa isipan niya. Hindi kaya? Mabilis siyang lumabas ng building at idi-nial ang numero ni Drake.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...