Chapter 12.1

2.5K 46 1
                                    

ILANG linggo ang lumipas…
Kinawayan ni Sophia si Rachel Leigh nang makababa ito sa stage pagkatapos ng performance nito ng gabing iyon sa G Club. Lumapit ito sa table niya at umupo sa katapat niyang silya.
“It’s been a long time,” bati niya dito. “Kumusta na?”
“Ayos lang,” maikling sagot nito.
Napangiti siya. “Hindi ka pa rin nagbabago. Ano ng nangyari sa pagsubaybay mo kay Christopher? May improvement na ba?” pang-uusisa pa niya.
Napabuntong-hininga ito. “Nag-propose siya sa akin… ng kasal.”
“Ano?!” hindi niya alam na napalakas pala ang boses niya, mabuti na lang at malakas din ang tugtog ng musika doon. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Nag-propose si Christopher ng kasal dito? “B-Bakit? Na-in-love ba siya sa’yo?” tanong niya pa.
Tumingin ito sa kanya, walang kaemo-emosyon ang mukha nito. “Hindi naman dahil nag-propose ang isang lalaki ng kasal sa’yo ay mahal ka na niya. May sarili siyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.”
“Eh, anong sagot mo? Tinanggap mo ba?” nag-aalangang tanong niya.
Inilipat nito ang tingin sa hawak na electric guitar. “Hindi ko pa siya sinasagot, pero nang malaman ni Anthony ang tungkol doon ay sinabi niyang pumayag ako. Mas mapapadali daw noon ang pagsubaybay ko kay Christopher,” ilang sandali itong huminto. “Madali lang naman daw ipawalang-bisa ang kasal.”
Tinitigan niya ito. Alam niyang napakahirap dito ang lahat. Hindi ganoong kadaling magsunod-sunuran sa utos ng iba. Pero ano bang magagawa at maipapayo niya dito? Hindi niya rin naman alam kung bakit ito sumusunod sa lahat ng utos ni Anthony.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon