ILANG araw na hindi lumalabas ng apartment niya si Sophia. Ipinagluluksa niya pa rin ang pagkamatay ng kapatid ng mag-isa. Kahit patuloy lang sa pagtawag ang kaibigan niyang si Ashlee at ang Tita Joyce niya ay nagdadahilan na lang siya na masama ang pakiramdam o di kaya ay maraming ginagawa. Hindi pa siya handang makakita o makipag-usap sa ibang tao.
Napakasakit pa rin para sa kanya ang lahat ng pangyayari. Sobrang miss niya na ang kapatid niya. Bawat parte ng apartment na ito ay palagi niya itong nakikita. Bakit ba kailangang iwanan siya nito?
Araw at gabi ay nakatutok lang siya sa harapan ng laptop at sinusubaybayan ang lahat ng bagong artikulong lumalabas patungkol sa Vincent Fabella na iyon. Nalaman niya na may bago itong idine-date na modelo at lahat ng larawang nakikita niya ay nagpapatunay na napakasaya nito na para bang walang problemang dinadala. Para bang napaka-inosente nito at walang ginagawang masama.
Patuloy na lumalaki ang galit niya para sa lalaking iyon. Patuloy na lumalaki ang pag-asam niyang mapag-higantihan ang pagkamatay ng kapatid at hindi na siya makapag-hintay na makitang bumagsak ito at nahihirapan.
Bumuntong-hininga siya at kinalma ang sarili. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng apartment. Dapat na sigurong ibenta niya na ang lugar na ito, hindi niya na kaya pang manirahan dito at patuloy na masaktan. Babalik na lang siya sa bahay nila sa Ayala. Kahit na medyo malaki iyon at mag-isa siya ay mas matatahimik naman siya doon.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...