Chapter 12.2

2.5K 42 1
                                    

NAPANGITI si Sophia nang makababa sila ni Vincent ng helicopter na naghatid sa kanila dito sa La Fabella Resort nito sa Bantayan Islands. Inimbitahan kasi siya nitong mag-relax ng kahit isang araw doon at pumayag naman siya.
Pagkatapos ng ilang oras na helicopter tour ay dito na nga sila nagtungo. The resort was beyond magnificent to be described. It had a modern touch pero hindi pa rin nawawala ang pagka-nature-loving nito.
Sumunod lang siya kay Vincent hanggang sa makarating sila sa isang cottage na naroroon. Kakaiba ang laki at disenyo niyon sa ibang cottages doon.
“This is my private cottage here,” ani Vince habang binubuksan ang pinto. “Dito tayo tutuloy ngayon.”
“S-Sa isang cottage lang?” tanong niya, bumalot na naman ang kaba sa puso niya sa kaalamang makakasama ito sa isang kuwarto.
Nang mabuksan nito ang pinto ay lumingon ito sa kanya at ngumiti. “Don’t worry, sweetheart. Dalawa naman ang kama dito,” pagpapakalma nito sa kanya.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nito. Pumasok na sila at napahanga siya sa ganda ng loob niyon. It had an elegant décor and it had a magical feel on it. Parang nasa loob siya ng isang paraiso.
Lumapit siya sa kamang naroroon at umupo doon. It was so soft, napakasarap sigurong matulog dito.
Napatingin siya kay Vincent nang tanggalin nito ang suot na shirt at itinapon sa sahig. Nakasuot na lang ito ng summer shorts. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa matipunong katawan nito sa harapan niya.
Naalarma siya nang humakbang ito palapit. “A-Anong ginagawa mo?” puno ng takot na tanong niya.
He grinned and winked at her. “Kung anu-ano namang pinag-iisip mo, sweetheart. Yayayain lang naman kitang mag-swimming. Sayang ang ipinunta natin dito kung dito lang tayo sa loob ng kuwarto, ‘di ba?”
Sunod-sunod ang naging pagtango niya at iniiwas ang tingin dito. “M-Mauna ka na. Mag-Magpapalit lang ako,” nauutal na wika niya. Pilit niyang pinapatigil ang malakas na pagkabog ng puso niya.
“Puwede kitang hintayin,” sabi pa nito.
“Hindi, mauna ka na,” pagtataboy niya dito.
Tumawa na lang ito at nagpaalam na sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas ito. Parang pagod na pagod pa siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. Ilang sandali niyang kinalma ang sarili bago niya naisipang magpalit na ng damit at sumunod dito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon