Chapter 10.1

2.7K 49 1
                                    

MAHIGIT isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin magawang makalimutan ni Sophia ang lahat ng pangyayari. Nalaman niya na nawawala pala si Ashlee at sinisisi niya ang sarili sa lahat. Hinihiling niya na sana naman ay nasa maayos itong kalagayan, ayaw niyang mabalitaang natulad ito sa kapatid niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.
Napatingin siya sa pinto ng opisina nang bumukas iyon at pumasok si Vincent. Ilang linggo niya na rin itong hindi nakikita. Tumayo siya at lumapit dito, pinilit niyang pasiglahin ang sarili at kalimutan ang lahat ng problema sa ngayon.
Naririto sa harapan niya ang puno’t dulo ng lahat ng pangyayari sa buhay niya. Kailangan niya pa itong singilin, kailangan niya pa itong pagbayarin.
“Mukhang may problema ka, ah?” tanong nito. Hinila siya nito paupo sa sofa. “Puwede mong sabihin sa akin.”
Ngumiti siya at umiling. “Wala ito. Problema lang sa trabaho,” pagsisinungaling niya. Lumapit siya dito at inihilig ang ulo sa balikat nito. “I missed you. Busy ka rin sa kumpanya mo, ano?”
Inabot nito ang isang kamay niya at hinawakan iyon. Hinayaan niya lang ito. It was weird to feel such comfort from his touch.
“Oo,” sagot nito. “I got news for you.”
“Ano ‘yon?”
“Nagpapatayo ako ng panibagong building para sa partnership ng kumpanya natin,” tugon nito, hinalikan nito ang buhok niya. “Gusto kong ibigay iyon sa’yo.”
Gulat siyang napatingin dito. “What?” hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Bibigyan siya nito ng building para lang sa partnership nila?
Ngumiti ito. “It’s for our partnership, sweetheart. May makukuha rin naman ako doon.”
Tumango na lang siya at nagpanggap na masaya. Wala naman talaga siyang balak ituloy ang partnership na iyon, ginagamit niya lang iyon para makakuha ng impormasyon sa business nito. Bahala na ito sa kung anong nais nitong gawin.
“Nakausap mo na ba si Jeremy tungkol sa mga manggang ima-manufacture natin mula sa farm niya?” naisipan niyang itanong dito.
“Yes, wala naman iyong problema sa kanya,” tumingin ito sa kanya. “Nai-kuwento ka niya sa akin minsan, matagal na pala kayong magkakilala ni pinsan?”
Nagkibit-balikat siya. “Yeah, actually, I had a big crush on him back then. Pero nag-asawa na siya kaya itinapon ko na rin ang nararamdaman para sa kanya,” pag-amin niya.
Nang tingnan niya ito ay magkasalubong na ang mga kilay nito. “You had a crush on him?” ulit pa nito.
Ngumiti siya. “Had. Hindi ka na dapat nagseselos, matagal na iyon.”
“I just hate it when my girlfriend talks about her men in the past, kahit na crush lang iyon,” sabi nito. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. “Forget about them, Sophia. You’re mine, at ipinapangako kong hindi ako titingin sa ibang babae habang nasa relasyong ito.”
Tinitigan niya ito. She knew that everything he was saying was pure moonshine. Hinding-hindi siya maniniwala sa mga pambobola at kasinungalingan nito.
Lumabi siya. “Talaga? Ang dami kong nababasa na pagkatapos ng ilang linggo at pinagsawaan mo na ang isang babae, papalitan mo na siya,” nagkunwari siyang malungkot. “Ayokong mangyari sa akin ‘yon.”
Bumuntong-hininga ito. Ibinaba nito ang mga kamay. “Hold my hand, sweetheart,” utos nito.
Tumingin siya dito.
“Come on,” he smiled.
Sinunod niya ito at hinawakan ang kamay nito.
“Trust me,” panimula ulit nito. “Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at iwasang masaktan ka. You’ve already touched my heart sa hindi ko malamang kadahilanan. Paniwalaan mo ako, ang tumatakbo lang sa isipan ko ngayon ay ikaw at wala ng iba,” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.
Trust you? Tinitigan niya ang magkasiklop nilang mga kamay. Trust you?! Hindi ba at pinagkatiwalaan ka ni Jessie noon? Ibinigay niya sa’yo ang lahat pero anong ginawa mo?!
Ibinalik niya ang tingin dito. Tama lang ang ginagawa niya, hindi niya na hahayaang makapanakit pa ng babae ang lalaking ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon