Chapter 14.4

2.6K 40 3
                                    

TUMAYO si Vincent para sundan si Sophia pero agad din namang bumigay ang mga tuhod niya at napabagsak siya sa sahig. Nabitawan niya na rin ang hawak na singsing.
Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay at doon umiyak ng umiyak. He never cried like this before. Hindi niya magawang pigilan ang sarili. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Sobrang sakit na gusto niya ng mamatay ng mga oras na iyon.
He felt like there were thousands or even millions of knives that kept on stabbing her heart at the moment, breaking it into tiny pieces.
Bakit? Bakit nito sinabi ang mga bagay na iyon? Ano bang nagawa niya? “Sophia…” patuloy lang siya sa pag-iling at pagluha. Hindi puwede. Mahal na mahal niya ito. Hindi puwede.
This is not happening. Baka galit lang ito sa kanya. Baka may nagawa siyang bagay na hindi nito nagustuhan. Tama. Imposibleng bigla na lang itong magka-ganoon. Siguradong may dahilan ang lahat. Maaayos din ang isipan nito, kailangan niya lang itong bigyan ng oras. Maaayos din ang lahat. Hindi siya nito iiwan. Hindi.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon