BAKIT? Bakit naririto na naman siya at nakatayo sa harapan ng bahay nito? Was he really a fool? Kahit kababalik niya lang galing sa California ay ito kaagad ang lugar na pinuntahan niya. Gusto niya na naman bang maghirap? Bakit ba siya nakatayo na naman sa lugar na ito?
Nakikita niya ang pagbabago sa sarili niya. Parang araw-araw ay nadudurog ang puso niya pero hindi naman alam ng babaeng iyon ang nararamdaman niya. Araw-araw ay palungkot siya ng palungkot habang nag-iisa. Gusto niyang malaman kung nasaan ito ngayon at kung ano ang ginagawa nito pero alam niyang hindi puwede. Pagod na pagod na siya. Gustong-gusto niya ng makalimot.
Napalingon si Vincent sa tabi niya nang maramdamang may tumabi doon. Kumunot ang noo niya, kilala niya ito. Ito ang sekretarya ni Sophia – si Karen.
“Matagal ko rin po kayong hindi nakikita,” panimula nito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti bago ibinalik ang tingin sa bahay na nasa harap. “Hinahanap niyo po ba si Ma’am?”
Hindi siya sumagot.
“Ipinagbili niya na po ang bahay na ito,” dugtong nito. “Matagal na po siyang wala dito.”
Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Gusto niyang alamin kung nasaan ito pero bakit pa?
“Sa Tagaytay po siya ngayon tumutuloy,” sagot nito sa lihim na tanong niya. Sinabi nito sa kanya ang buong address ng lugar nito, nagkunwa siyang walang pakialam doon.
Nang magpaalam ito ay pumasok na rin siya sa sariling sasakyan. Kahit pumunta siya sa lugar na iyon ay wala ring mangyayari.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...