Chapter 16.1

2.8K 44 1
                                    

IPINATONG ni Sophia ang mga bulaklak na dala sa puntod ng mga magulang at ng kapatid na si Jessie. “Mommy, Daddy, Jessie, aalis muna ako sa lugar na ito, ha?” wika niya sa mga ito. “Matagal ko kayong hindi mabibisita. Pasensiya na kayo, hirap na hirap na kasi ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pang manatili sa lugar na ito,” napahikbi na siya.
Umupo siya sa tapat ng puntod ng kapatid at marahang hinaplos iyon. “Jessie… bakit ganito? Bakit sobrang sakit ng puso ko tuwing maaalala ang lalaking iyon?” pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa pisngi. “Nahulog na ba ng tuluyan ang loob ko sa kanya, ha? Pero alam kong mali ito, hindi dapat.”
Bumuntong-hininga siya. “Why is it that person of all people? I’m so sorry, Jessie. Pero huwag kang mag-alala, lalayo na muna ako dito para makalimutan siya. Para gamutin ang sugat dito sa puso ko.”
Pagkatapos magpaalam sa mga ito ay tumungo na siya pabalik sa sasakyan niya. Naroroon na rin ang mga bagahe niya. Didiretso na siya sa Tagaytay at makikituluyan muna sa isang kaibigang nakatira doon. Nakapag-file na rin siya ng leave sa kumpanya niya para sa bakasyong iyon. Sana lang ay tuluyan na siyang makalimot sa gagawing paglayo.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon