Chapter 9.2

2.4K 50 1
                                    

NAPATINGIN si Sophia kay Ashlee nang makababa ito sa living area, nakasuot lang ito ng simpleng bestida at flat sandals. Ilang minuto na silang nagku-kuwentuhan dito ng Daddy Ramon nito at ni Raffy tungkol sa kanya-kanyang businesses.
“Ash,” tawag niya dito. “Nakausap ko na si Tito Ramon, pumayag na siyang lumabas tayo basta daw ibabalik kaagad kita dito.”
Tumango si Ashlee at nagpasalamat sa Daddy nito.
“It’s okay, anak. Sabi nga nitong si Sophia, kailangan mo ring makapag-relax ng kaunti,” ani Daddy nito. “Just make sure na kakain ka sa pupuntahan niyo. Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?”
“Hindi na po,” sagot ni Ashlee.
Bumaling si Tito Ramon sa kanya. “Basta babantayan mo itong anak ko, ha, hija? Huwag na rin kayong masyadong magtagal at malapit ng gumabi. Ituloy mo na lang ang ikinu-kuwento mo tungkol sa kumpanya mo sa muli mong pagbisita.”
“Yes, Tito,” tumayo na siya. “Aalis na po kami para hindi na kami masyadong gabihin sa pagbalik. Thanks again, Tito,” inilipat niya ang tingin kay Raffy. “Raffy.”
Tumango lang si Raffy at lumabas na sila ni Ashlee. Pagkapasok sa kotse ay nakita niya pa ang pag-ngiti ng kaibigan. Nadudurog ang puso niya sa nakikitang kasiyahan sa mukha nito na ilang sandali lang ay sisirain niyang lahat.
“Thank you so much, Sophie. Akala ko hindi mo mapapapayag si Daddy,” anito.
Ngumiti siya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan. “Ako pa? Alam mo namang close kami ni Tito dahil nasa business din ang profession ko. Of course, ipagkakatiwala ka niya sa akin.”
Wala ng salitang namagitan sa kanila hanggang sa makarating sila sa de Angelo Hotel sa Quezon City. Pag-aari iyon ng aktor na si Michael de Angelo. Sinulyapan niya si Ashlee bago lumabas ng sasakyan, naroroon pa rin ang ngiti sa mga labi nito.
Pagkapasok nila sa loob ng magandang hotel ay tumingin ito sa kanya. “Are you sure na nandito na si Rafael?” tanong nito.
Tumango siya at lumapit sa front desk attendant. Kanina niya pa napadalhan ng mensahe si Rafael na nagsasabing papunta na sila doon. Tinanong niya sa attendant ang room number ni Rafael at kinuha ang susi dito pagkatapos ay bumalik na siya sa kinatatayuan ni Ashlee.
Iniabot niya dito ang susi. “He’s in room 301, puntahan mo na siya. I’ll wait in the lobby, tatawagan ko na lang si Rafael kapag kailangan na nating umalis. Hindi rin ako makakapagtagal dito, I have a lot of appointments. Hindi naman puwedeng umuwi ka ng mag-isa, may pananagutan pa rin ako sa Daddy mo,” sabi niya. Unti-unti ng bumabalot ang kaba sa puso niya.
“Sigurado bang ayos lang na maiwan ka dito?” tanong nito.
“Oo, don’t worry about me.”
Niyakap siya nito at pinasalamatan. “I owe you this one, Sophie,” iyon lang at lumakad na ito palayo.
Sinundan niya lang ito ng tingin, tears just started rolling down her face. Ashlee, forgive me. Magpakatatag ka lang sa lahat ng mangyayari.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon