Chapter 1.4

3.4K 76 1
                                    

ILANG linggo na ang lumipas pero hindi alam ni Sophia kung bakit parang napakarami pa ring pinagkaka-abalahan ng kapatid niyang si Jessie kahit na sa pagkakaalam niya ay mahigit dalawang linggo na ring tapos ang party sa Cebu na inasikaso nito.
Bibihira na lang itong tumutuloy sa kanila at kahapon nga ay tumungo na naman ito sa Cebu. Sinabi nitong inimbitahan daw ito ng Vincent na iyon sa resort nito sa Bantayan Islands kasama ang ilan sa mga kaibigan ng lalaki. Masyado na yatang nahuhumaling ang kapatid niya sa lalaking iyon at kahit saan ay nakahandang sumama dito.
Kinuha niya ang cell phone sa loob ng pouch. Aktong tatawagan niya na ito para tanungin kung kailan nito balak umuwi ay sakto namang narinig niya ang pagbubukas ng front door.
Masama ang tingin niya dito hanggang sa makapasok ito at makalapit sa kanya. Tinatamad nitong inilagay sa sahig ang hawak na bagahe at umupo sa tabi niya.
“Oh, I’m so tired. Sobrang haba ng biyahe,” wika ng kapatid. Tumingin ito sa kanya. “May pagkain ba diyan, Ate?”
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Hindi ka ba pinapakain niyang Vincent mo?” sarkastikong tanong niya.
Bumuntong-hininga ito. “May kailangan silang asikasuhin sa Cebu kaya nagpaiwan siya doon,” tumayo ito at tumungo sa kusina.
Ilang sandali lang ay bumalik ito na may dalang isang malaking plastic ng chips. Binubuksan na nito iyon nang mapatingin sa kanya. “Oo nga pala, Ate. May kailangan akong ibalita sa’yo,” muli itong umupo sa tabi niya at pinakatitigan siya, there was hesitation in her eyes for a while. “Tungkol kay Jeremy.”
Nagtataka siyang napatingin dito. “Ano?”
Ilang sandali itong nag-alinlangan bago sumagot. “H-He’s getting married… to this Keira Alvarez.”
Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Tumigil din sa paggana ang utak niya. Ikakasal na ito? Pero paanong—
She shook her head, pinipilit tanggalin ang hapding namumuo sa puso niya. She felt betrayed but she knew she wasn’t. Hindi niya naman pag-aari si Jeremy, ah? May karapatan itong magmahal ng kung sinong gustuhin nito. Siya itong tanga na patuloy lang na umaasam sa pag-ibig nito ng palihim.
Pinilit niyang huwag ipakita sa kapatid ang sakit na nararamdaman pero hindi siya nagtagumpay dahil nakita niya ang awa sa mga mata nito.
Mabilis siyang tumayo at walang paalam na tinungo ang sariling kuwarto. She needed to calm herself, to cry alone and erase the pain in her heart.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon