IPINATONG ni Sophia ang dalang bulaklak sa puntod ng Daddy, Mommy at ng kapatid niyang si Jessie. Inabot niya ang kamay ni Vincent na nasa tabi niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
“Daddy, Mommy, asawa ko po, si Vincent,” wika niya. “Kilala mo na siya, Jessie, hindi ba?” tumingin siya sa asawang nakatingin sa puntod ng kapatid. “Kung nabubuhay pa siguro siya, siguradong magiging masaya iyon,” sabi niya dito.
Tumingin si Vincent sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Pagkatapos ay muli itong bumaling sa puntod ng kapatid. “Jessie, magkaka-anak na kami ng Ate mo,” wika nito. “Gusto mo bang ipangalan namin sa’yo ang first baby namin?”
Namuo ang mga luha sa mga mata niya sa tanong nito, her heart overflowing with happiness.
Tumingin si Vincent sa kanya at ngumiti. “Puwede naman sa babae at lalaki ang ‘Jessie’, hindi ba?” tanong pa nito.
Ngumiti siya at tumango. Lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit. Ginantihan nito ang yakap niya at hinalikan siya sa buhok. Sumulyap siya sa puntod ng kapatid at lihim na pinasalamatan ito.
Kahit anong nangyari ay ito pa rin ang dahilan kung bakit niya natagpuan ang lalaking ito. Inihilig niya ang ulo sa dibdib ni Vincent at pinagmasdan ang paglubog ng araw na nasa harap. It was so beautiful, so mesmerizing. Lalo na at ito ang kasama niya, ang lalaking nag-iisang nilalaman ng puso niya habang-buhay.
Tumingala siya dito at nakitang nakatingin din ito sa kanya. “I love you so much, Vincent Fabella,” bulong niya ng buong puso.
Ngumiti ito. “I love you too, Sophia. More than my life. More than anyone else.”
Nagpapasalamat siya na kahit ilang beses niya itong sinaktan ay patuloy pa rin ito sa pagmamahal sa kanya. She was very happy. Oh, how blessed she was for having him in her life. She swore to do everything to show this man how much she loved him and she had a lifetime to do that.WAKAS
A/N: Maraming salamat sa pagbabasa. Muli, gaya ng reminder ko sa simula, pasensiya na kung hindi maayos ang spacing ng stories ko dito. (Naungkat na naman ito sa isang comment.) Ito ay copy paste lang from MS Word through my phone papunta dito sa wattpad. Galing sa unedited, original manuscript. Hindi dito sa mismong wattpad ko ito isinulat. Dahil copy paste lang ay nawawala ang spacings. Hindi ko na maaayos o ng ibang admin dito dahil mayroon din kaming iba ibang pinagkakaabalahan. I have lots of projects to write para sa ipapublish na books. Kung saan ako kumikita. Kaya kung hindi na ninyo kaya ang walang spacing na stories, stop na lang kayo. Wag na magreklamo, okay? Free read na nga ito. Maawa naman sana sa mga writers. Salamat sa pag-intindi.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...