AGAD na sinalubong ng kaibigan niyang si Erika si Sophia nang makarating siya sa apartment nito sa Tagaytay City. Kinuha nito ang mga dala niya at inanyayahan siya sa loob. Simple lang ang apartment nito pero maluwag naman.
Hinila siya nito sa kuwartong naroroon. May dalawang queen sized beds doon, sinabi nitong dati daw ay may kasama ito doon pero nag-abroad na daw ito. Pagkaupo nila sa kama ay agad nitong tinanong ang dahilan ng pagpunta niya doon.
Noong una ay nag-aalangan pa siyang mag-kuwento pero hindi na rin niya napigilang maglabas ng lahat ng saloobin dito. Matagal niya na itong kaibigan kahit hindi na sila gaanong nagkikita at alam niyang naiintindihan siya nito. Ikinuwento niya dito ang lahat ng pangyayari sa buhay niya at nagulat ito sa kaalamang patay na si Jessie.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak hanggang sa matapos siya sa pagku-kuwento. Agad naman siya nitong inalo.
“So mahal mo ang lalaking iyon?” tanong nito.
Umiling siya. “Hindi ko alam, Erika. Naguguluhan ako. Kaya nga ako pumunta dito para makalimutan ang kung anumang damdamin mayroon ako para sa kanya. Alam kong magbabago din ito. He’s still that monster who was the reason my sister died. Hindi ko dapat kalimutan iyon.”
Puno ng simpatya ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi na ito nagsalita at hinayaan na lang siyang kalmahin ang sarili.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...