HIGIT isang oras ng naghihintay sa lobby ng de Angelo Hotel si Sophia. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya. Oras na. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at idi-nial ang numero ng ama ni Ashlee.
“T-Tito,” panimula niya ng sumagot ito. “P-Patawarin niyo po ako. S-Sinubukan ko pong pigilan si Ashlee… H-Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ito pero kino-konsensiya na po ako,” pagsisinungaling niya. Pinipigilan niya ang sariling lumuha. Pilit niyang itinatatak sa isip na tama rin ang gagawin niya, dapat lang namang malaman ng ama at fiancé ni Ashlee ang ginagawa nitong pakikipagtagpo kay Rafael.
“Naki… Nakipag-tagpo po si Ashlee sa isang lalaki dito sa de Angelo Hotel sa Quezon City,” pagpapatuloy niya. Narinig niya ang galit na galit na pagmumura ni Tito Ramon sa kabilang linya.
Tinanong nito ang room number ng anak at sinabing huwag siyang aalis doon hangga’t hindi ang mga ito nakakarating. Pagkatapos ng tawag ay nanghihina siyang napaupo sa couch na naroroon at umiyak. “I-I’m sorry, Ashlee… I’m sorry,” she croaked.
Inilipat niya ang tingin sa isang parte ng lobby at nakita doong nakatayo si Rachel Leigh at pinagmamasdan siya. Alam niyang ipinadala ito nina Drake para siguruhing ginawa niya ang utos ng mga ito.
Hindi niya alam kung tama bang nakakakita siya ng awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay at humagulhol. Bakit kailangang maging sobrang hirap ng buhay niya? Nawalan na nga siya ng kapatid at pamilya, siguradong mawawalan din siya ng isang tunay na kaibigan. Tama ba ang naging desisyon niya? Tama ba ang lahat ng ginagawa niya? Para lang sa paghihiganti niya?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomantizmSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...