NATIGILAN si Vincent nang pumasok siya sa loob ng opisina niya kinabukasan at nakita doon ang pinsan niyang si Jeremy at ang asawa nitong si Keira. Naroroon din ang kapatid niyang si Kenny.
Bumuntong-hininga na lang siya. Dumiretso siya sa settee na naroroon at pabagsak na umupo.
“Ano bang problema mo ngayon, Vincent?!” narinig niyang sigaw ni Jeremy. “Sinabi sa akin ni Kenny ang lahat ng nangyayari dito.”
“Jeremy,” saway dito ni Keira. Lumapit ito sa kanya at umupo sa katapat niyang sofa. “Vince, narinig namin ang problema ng kumpanya. Alalang-alala na sa’yo si Tita Anya, hindi ka naman daw umuuwi sa inyo.”
Tiningnan niya ito, walang emosyon sa mukha. “Masyado na bang malaki ang nagawa kong sira sa kumpanya?” tanong niya dito at iginala ang paningin sa kabuuan ng opisina. “Kung ganoon, ikaw na ang bahalang magpatakbo nito, Keira,” dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Hindi na nito nagawang makapag-salita nang muli siyang tumayo. “Tutal, hindi ba business graduate ka rin? Nagpatakbo ka na noon ng kumpanya ninyo bago ka ikasal kay Jeremy at manirahan sa hacienda. Kayang-kaya mo naman iyan, willing naman na tumulong si Christopher,” inilipat niya ang tingin kina Jeremy at Kenny na nasa mga mukha ang galit. “Dahil kung ako ang aasahan ninyo, wala ng mangyayari sa kumpanyang ito. Magpapahangin lang ako sa itaas,” pagkasabi noon ay tinalikuran niya na ang mga ito.
Nakalabas na siya ng pinto nang marinig niya ang pagsigaw ni Kenny. “Nagkaka-ganyan ka dahil sa babaeng iyon?! Damn that woman!”
Hindi niya na ito pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat sa rooftop. Yeah, damn her. Damn her but damn him too. Dahil hindi niya magawang kalimutan ito.
Pagka-akyat sa rooftop ay agad siyang lumapit sa railings na naroroon. He wished that this cold air could calm his breaking heart.
Ilang minuto siyang nanatili doon nang maramdaman niya ang mga yabag papalapit. Nalingunan niya si Keira. Tumabi ito sa kanya at tumanaw sa kalawakan ng lungsod. “Huwag mo sabihing balak mo ng tumalon dito?” biro pa nito at bahagyang ngumiti sa kanya.
“You think it could ease the pain?” he asked.
“Baka mas lalo pa iyong makadagdag sa sakit mo,” sagot nito. “Paano kung hindi ka mamatay at mabalian ka lang?”
Bahagya siyang ngumiti pero agad din naman iyong nawala. Muli na namang bumalot ang matinding kalungkutan sa puso niya.
“Masakit ba?” tanong nito matapos ang ilang sandaling katahimikan, nasa tono na nito ang pag-aalala.
“Sobra,” pumiyok pa siya. “Napakasakit pilitin ang sarili kong burahin siya sa puso ko,” tumulo na naman ang mga luha niya. Bakit ba hindi niya mapigilan ang pagluha tuwing maaalala ito? Hindi niya na gustong magmukhang mahina. Ayaw niyang pagtawanan ng mga taong nakakakita sa kanya. Pero paano? Kung patuloy lang naman na naghihinagpis ang puso niya?
“Hirap na hirap na akong pilitin ang sariling kalimutan na ang lahat,” pagpapatuloy niya. “My heart hurts so much. It’s weird na nabubuhay pa ako. Paano ko ba siya makakalimutan? Hindi ko magawang pamanhidin ang pusong itong patuloy lang na nasasaktan. It really hurts so much I feel like dying.”
Marahan nitong tinapik ang likod niya. “I’m so sorry, Vince,” umiiyak na rin ito. Hinayaan lang siya nitong umiyak ng ilang sandali.
Muli siyang tumingin dito. “Please do me a favor, Keira,” wika niya dito.
Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata.
“Ikaw na ang humawak sa kumpanya,” dugtong niya. “Gawin mo ang lahat para maayos ang lahat ng nasira ko.”
“Pero, Vince, hindi maaaring ako ang patuloy na humawak noon,” bumuntong-hininga ito. “Tatanggapin ko iyon pero kailangang ipangako mo sa akin na babalik ka kapag ayos na ang lahat. This is yours, Vince. Ikaw na ang nagpalago nito at walang makakapantay noon. Alam mo naman ring nasa hacienda ang buhay ni Jeremy at kung nasaan siya ay nandoon ako. Hindi ako makakapagtagal dito.”
Marahan siyang tumango. “Pipilitin ko, Keira. Pipilitin ko.”

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...