Chapter 12.7

2.5K 48 2
                                    

SUMAPIT na ang gabi at napag-desisyunan na ni Sophia na umuwi. Pagkarating sa bahay ay nagulat pa siya nang makita si Vincent na nakasandal sa harapan ng sasakyan nitong nakaparada sa tapat ng bahay niya.
Lumabas siya ng sasakyan at lumapit dito. Nakikita niya ang kalungkutang nasa mukha nito pero ngumiti pa rin ito nang makita siya.
“Kanina ka pa dito?” tanong niya at inanyayahan ito sa loob.
“Hindi naman, kararating ko lang,” sagot nito.
Pagkapasok ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit. She couldn’t help but melt in his arms. Itinaas niya ang mga kamay at ginantihan ang yakap nito. “Ayos ka lang ba?”
Hindi ito sumagot pero hinigpitan pang lalo ang pagkakayakap sa kanya.
“Gusto mo bang tulungan kita? I can give you money if you need it,” alok niya pa, hindi niya kasi alam kung ano ang tamang sabihin.
Tumawa ito at bahagya siyang pinakawalan. “Hindi na kailangan, sweetheart. Sapat na sa akin ang nandito ka para damayan ako.”
Pinigil niya ang sariling mapaluha sa harapan nito. Hinayaan niya na lang ito nang muli siya nitong yakapin. She could comfort him now, pero hanggang doon na lang iyon. Hindi magtatagal ay sasaktan niya rin ito. So she needed to shield her heart from loving him para hindi siya masaktan. Hindi niya dapat kalimutan na ito pa rin ang walang-pusong lalaking naging dahilan ng pagkawala ng kapatid niya. Hindi niya hahayaang matulad siya kay Jessie.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon