ARAW at gabi ay patuloy na nilalamon ng konsensiya niya si Sophia. Hindi niya magawang makakain at makatulog ng ayos. Kung maaari niya nga lang sanang ibalik ang oras, kung maaari nga lang sana.
Nang araw na iyon ay napagbuksan niya ng pinto ang Tita Joyce niya. Nasa mukha nito ang matinding pag-aalala at pagkaawa sa nakikitang ayos niya. Lumapit ito sa kanya at mahigpit na niyakap siya. Muli na naman siyang napahagulhol sa balikat nito.
“T-Tita…” iyak niya. “I did something wrong, Tita. I did something wrong. H-Hindi ko na kaya… Ang sama-sama ko.”
“Ssshhh…” pinaupo siya nito sa sofa na naroroon at umiiyak ding tinitigan siya. “Oh, Sophia…”
“B-Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito, Tita? Bakit kailangang mag-desisyon ako ng mali at pagsisihan ang lahat ng iyon? Bakit kailangang mabuhay pa ako sa mundong ito at maging dahilan ng paghihirap ng mga inosenteng tao?” puno ng hinanakit na tanong niya dito. Hindi niya alam ang dapat gawin at isipin.
“Iyon ang gusto mo, hindi ba?” wika nito. “Ang makapag-higanti ka? Anong sinabi ko sa’yo? Na dapat hinayaan mo na lang ang Diyos. Tingnan mo ang nangyari ngayon, nagkamali ka. Nakasakit ka ng tao. Kung nakinig ka sa akin, hindi na sana mangyayari ang mga ito.”
Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Bakit nga ba hindi siya nakinig dito? Bakit niya ba hinayaang bulagin siya ng paghihiganti niya? Ang tanga-tanga niya.
“Huwag ka ng umiyak, Sophia. Walang mangyayari kung iiyak ka,” utos ng Tita niya. “Ang dapat mong gawin ay itama ang lahat ng pagkakamali mo. Humingi ka ng tawad sa kanya. Ayusin mo ang lahat.”
Marahas siyang umiling. “Hindi ko kayang magpakita sa kanya, Tita. Alam kong kinasusuklaman niya na ako ngayon. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Hihingi ako ng tawad sa Diyos sa lahat ng pagkakamali ko at gagawin ko ang lahat para maiayos ang mga nasira ko, kahit hindi niya na malaman.”
Tinitigan siya nito at hinaplos ang mukha niyang hilam na hilam sa luha. “Gawin mo kung ano ang tama, Sophia,” muli siya nitong hinigit para yakapin ng mahigpit.
Gagawin niya ang lahat para maitama ang lahat. Alam niyang hindi na siya nito mapapatawad dahil maging siya ay hindi niya magawang patawarin ang sarili.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...