NAPATINGIN si Sophia kay Vincent nang lumabas ito ng cottage. Nakasuot na ito ng damit pantulog nito katulad niya. Muli niyang ibinalik ang tingin sa iniihaw na isda para sa hapunan nila.
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya at pagyakap nito mula sa likod. "Ako na ang gagawa niyan," bulong nito sa kaliwang tainga niya.
Umiling siya. "Ngayon lang ulit ako nakapag-ihaw sa isang beach, hayaan mo na ako," sabi niya.
Bumuntong-hininga ito. "Look at the stars, they're beautiful, right?"
Tumingin siya sa kalangitan at sa nagkikinangang mga bituin doon. "Mmm," pagsang-ayon niya.
"Pero mas maganda ka pa rin sa kanila," hirit pa nito.
Tumawa siya at ibinalik ang tingin sa iniihaw. "Ang galing mo talagang mambola."
Tumawa rin ito at hinalikan ang buhok niya. She slightly turned her head towards him para mahalikan nito ang mga labi niya. She kissed him back and slowly withdrew. Pagkatapos ay nginitian niya ito at muling ibinalik ang pansin sa iniihaw.
Nakayakap lang ito at nakatanghod sa kanya hanggang sa matapos siya sa ginagawa. Nang magsimula silang kumain ay nagsimula rin itong mag-kuwento ng tungkol sa mga pangyayari sa kumpanya nito. Sinabi nitong nakaisip na ang mga ito ng ideya para sa panibagong produktong gagawin at sa plano para sa product launch na iyon sa susunod na taon.
Nakinig lang siya sa lahat ng sinasabi nito hanggang sa matapos sila sa pagkain. Nang makapasok sila sa loob ng cottage ay natigilan siya nang pigilan nito ang braso niya. Tumingin siya dito.
"Can you sleep beside me tonight?" tanong nito, nagmamakaawa ang tono at mga mata nito.
Natigilan siya sa tanong nito pero pinilit niya ang sariling ngumiti. "Basta wala kang gagawing masama, ayos lang," napilitan siyang pumayag.
Malawak itong ngumiti at parang masunuring batang tumango. Hinila na siya nito patungo sa isang kama at nahiga doon. Ipinaunan niya ang ulo sa isang braso nito habang nakayakap ang isa pa nitong braso sa baywang niya.
"Goodnight, sweetheart," bulong nito at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi niya.
Ngumiti siya at isinubsob ang mukha sa leeg nito, inhaling his masculine scent until they both drifted to sleep.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...