INAAYOS ni Sophia ang suot na necktie ni Vincent nang magbukas ang pinto ng opisina nito at pumasok ang sekretarya nitong si Sheila. Naroroon siya dahil naisipan niyang bisitahin ito ng araw na iyon.
Agad na yumuko ang sekretarya nito. “Pasensiya na po sa abala, Sir,” sabi nito. “Pero may importanteng bagay po kayong kailangang malaman,” nasa tono nito ang pag-aalala.
Bahagya siyang lumayo kay Vince para hayaan ang mga itong mag-usap.
“Ano ‘yon?” tanong dito ni Vincent.
Lumapit dito ang sekretarya nito at may iniabot na isang newspaper. “Tungkol po sa produktong planong i-launch ng kumpanya. May ginawang press release ang kalaban nating kumpanya, ang San Jose Group of Companies, at ang planong produktong ipinakita nila ay katulad na katulad ng ideya natin.”
Gulat na napatingin si Vincent sa sekretarya. “Paano nangyari iyon? Paanong nakuha nila ang ideya natin?”
“Hindi ko rin po alam, Sir. Maging ang mga board members ay nagulat sa paglabas ng balitang iyan. Tayo lang naman po at ang mga board members ang may mga kopya ng files ng planong iyon. Hindi magiging madaling tukuyin kung sino ang nangabilang bakod sa atin.”
Napayuko na siya, hindi niya magawang tumingin ng matagal sa itsura ni Vincent. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng guilt ng mga oras na iyon. Hindi niya dapat iyon nararamdaman.
“Ano pong balak niyong gawin, Sir?” tanong ng sekretarya. “Ipapatawag ko na po ba ang mga abogado?”
“Para saan pa?” sagot ni Vincent. “Wala na tayong magagawa. Nakapag-press release na sila at magmumukhang tayo ang nanggaya kung iyon din ang produktong ilalabas natin. All we can do is to think of another idea habang may oras pa. Saka na natin alamin kung sino ang may kagagawan nito,” marahas itong napabuntong-hininga. “You can go now, Sheila. Pakisabi na lang niyon sa mga board members. Sabihin mong gagawin ko ang lahat para maayos ito. Salamat.”
Pagkaalis ng sekretarya ay nanatili pa rin siyang nakayuko. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Napaangat siya ng tingin nang maramdaman ang paglapit ni Vince sa kanya. Nagtaka pa siya nang makitang nakangiti na ito.
“G-Gusto mo bang tulungan kita?” nawika niya.
Umiling ito. “Maaayos din ang lahat, sweetheart. Ganito naman talaga sa business.”
“Paano kung… kung mabawasan na naman ang investors niyo?”
Nagkibit-balikat ito. “Huwag mo ng isipin iyon. Kaysa isipin nating problema ang mga pagsubok na iyan, isipin na lang nating oportunidad iyon para sa ikabubuti pa ng mga bagay.”
Tiningnan niya ito. Paanong nagagawa pa rin nitong maging positibo sa kabila ng lahat?
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Huwag ka ng malungkot, sweetheart. Alam mo bang simula ng makilala kita at mahalin, hindi na ganoon kahalaga sa akin ang business ko. Kahit na ano pang mangyari doon ay hindi ko na iniinda dahil para sa akin ang pinaka-masamang mangyayari sa buhay ko ay ang mawala ka sa tabi ko,” ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit. “I love you so much, Sophia. Always remember that.”
Malungkot siyang napabuntong-hininga. Ginantihan niya ang yakap nito pero hindi na sumagot.
Ilang saglit lang ay muli itong nagsalita. “Alam mo bang ikinasal na ang pinsan kong si Daniel noong nakaraang linggo?”
Tumingala siya dito. “Talaga?” Hindi niya naman personal na kilala ang isa pang pinsan nitong si Daniel Fabella, pero malimit niyang naririnig ang pangalan nito.
“Oo,” umiling pa ito. “Hindi ko nga akalaing maiisipan ng lalaking iyon na mag-settle down na. But I think, nababago talaga ng pag-ibig ang paniniwala ng isang tao,” tinitigan siya nito. “Hindi rin naman ako naniniwala noon sa isang long-term relationship katulad ng pag-aasawa. Pero noon ‘yon, ngayon kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko tuwing kasama kita.”
Napatitig siya dito, hinayaan niya lang itong magpatuloy.
“I kept on thinking how it would be like to wake up every morning with you by my side,” dagdag nito. “Naiisip kong magpatayo ng isang bahay, a fairytale-like home para sa magiging mga anak natin. Pagkatapos puwede tayong pumunta sa Hawaii Turtle Bay Resort para sa mga celebrations ng magiging pamilya natin. That resort is so magical, matagal ko ng gustong bumalik doon.”
Napatawa siya at napailing sa mga plano nito. Alam niyang hanggang plano na lang ang lahat ng iyon, dahil hindi niya naman hahayaang makuha nito ang kasiyahang ipinagkait nito sa kapatid niya.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
Roman d'amourSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...