LUMAPIT si Sophia sa kaibigan niyang si Ashlee Fortich, nasa loob sila ng Delicious Italian Restaurant sa Quezon City na pagmamay-ari nilang dalawa. Matagal niya ng kaibigan at kasosyo sa negosyo itong si Ashlee, maituturing niyang malapit na ito sa kanya dahil pareho naman silang nagsasabihan ng kanya-kanyang pangyayari sa buhay at mga sikreto.
Naupo siya sa katapat nitong silya. Kanina niya pa napapansin na parang may pino-problema ito. “May problema ba kayo ng fiancé mo?” Tinutukoy niya ang fiancé nitong si Raffy Choi, ilang linggo na ang lumipas nang ma-engage ang mga ito.
“Wala naman, naguguluhan lang ako sa inaakto ni Raffy ngayon. Parang… parang may itinatago siya sa akin,” sagot nito.
Nagdududa siyang tumingin dito. “Don’t tell me may ibang babae ang fiancé mo?”
Tiningnan siya nito ng masama. “Of course not,” sabi nito.
“You look so stressed, Ashlee,” ani pa niya at umiling. “Hindi ba dapat blooming ang mga malapit ng ikasal? Don’t worry too much, sigurado naman akong may dahilan kung bakit nagkaka-ganyan ang fiancé mo. Baka marami lang talagang problema sa trabaho.”
Tumango na lang ito at ngumiti. Kung anuman ang bumabagabag sa puso at isipan ng kaibigan niyang ito, sana naman ay maayos na nito. Para naman may matino na rin siya uling makakausap, ang kapatid niya kasi ay busy na sa trabaho nito para sa lalaking pinagpapantasyahan nito kaya halos hindi niya na makausap nitong nakaraang mga araw.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...