INIABOT ni Sophia ang folder na naglalaman ng mga papeles na ipinagawa niya sa abogado niya at pinirmahan niya ng nagdaang gabi sa sekretarya niya. Nakasuot siya ng shades para maitago ang pamumugto ng mga mata. Nakipagkita siya dito sa isang restaurant dahil ayaw niya ng tumungo sa opisina.
Gulat na napatingin sa kanya ang sekretarya niya nang makita ang nilalaman ng folder. “M-Ma’am—”
“No more questions, Karen,” putol niya dito sa ma-awtoridad na tinig. “Ipadala mo iyan kay Keira ngayong araw. Huwag kang mag-alala, kahit na ibigay ko sa kanila ang kumpanya ay hindi naman kayo mawawalan ng trabaho. Nakasaad ‘yan sa kontratang iyan.”
Hindi na naman ito nagsalita at nagyuko ng ulo. Iyon na lang ang tanging magagawa niya, ang ibigay ang sariling kumpanya sa pangalan ni Vincent para makatulong sa pagsasa-ayos ng Fabella Group of Companies. Alam niyang hindi pa rin nito nagagawang makabangon dahil sa problemang ginawa niya at gusto niyang makatulong kahit na sa maliit na paraan. Hindi niya na kakayanin pang makita na tuluyan itong bumagsak. Handa siyang ibigay ang lahat ng pag-aari dito para lamang makabawi kahit alam niyang hindi pa sapat ang mga iyon.
“Sisiguraduhin mong si Keira mismo ang pag-aabutan mo niyan, at sabihin mong huwag na huwag niyang ipapaalam kay Vincent ang lahat ng ito,” paalala niya pa sa sekretarya. “Palitan niya na ang pangalan ng kumpanya, wala na akong pakialam.”
“Pero, ma’am, paano kayo?” nag-aalalang tanong ng sekretarya niya.
“Huwag mo akong alalahanin, Karen,” pinilit niya ang sariling ngumiti pero sa halip ay napaluha na naman siya. “I… I have hurt that man more than he deserve, how can I be so cruel? He… He loved me more than I deserve pero nagpaka-tanga ako. Ito na lang ang magagawa ko para sa kanya,” she sniffed. “Sige na… Ikaw na ang bahala sa lahat, kausapin mo ang lahat ng mga shareholders. Pilitin mo sila na tulungan ding makabangon ang FGC.”
Bumuntong-hininga ito at sapilitang napatango. Pagkaalis nito ay muli na naman siyang nauwi sa pagkatulala. Ito na lang ang tanging magagawa niya para maituwid ang lahat ng pagkakamaling nagawa. Ang lahat ng paghihirap nito dahil sa kanya, because of her stupidity and foolishness. At dapat lang na gawin niya na ngayon ang tama.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...