👓 Calamity & Disaster 👓
Zhiya pov
"wahaha i feel so great"
"i want to do that tomorrow again"
"see you tomorrow again nerd"
Iniwan nila ako dito na lupaypay sa sahig, masakit ang katawan, at nahihirapan bumangon, nasaan ako? nandito ako ngayun sa H.Q nila, yung mga demonyitang nagrereyna reynahan sa University na to, gaya ng pinag usapan, ako ang kapalit ng di nila pagdidiskitahan ang mga kaibigan ko, ayaw ko silang mapahamak kaya ako nalang dahil alam ko sa sarili kong kailangan kong masaktan para mabawasan ang sakit ng nararamdaman ko, dito sa dibdib.
Tumayo ako at bumintong hininga, napaka sakit ng pakiramdam ko. Kada hampas nila, suntok at sipa ay pumipikit ako. Gusto kong matapos na ito kaya ng sabihin nila saakin na malapit na nilang itigil ito ay nakahinga ako ng maluwang.
Halos durugin nila ako sa masasakit na salita, at ipagdiinan na wala akong karapatan kay L, wala naman talaga ehh ewan ko but ako na sasaktan may saltek na ata ko. Yung sabihan nila ako ng kung ano anu ay baliwala pero pag dating talaga kay L na giging emosyonal ang puso ko. Gusto kong maiyak pero wala ehh hingang hinga ang luha ko sa kanila.
Inayos ko ang aking uniporme at pinagpag ito, pinilit tumayo at lumakad ng tuwid, wala akong magagawa kundi ang mag tiis isang lingo nalang at matatapos na ito. Dahil gumaganda na daw ang pakikitungo sa kanya ni L. Sana nga magkatuluyan sila.
Nakakatawa no, ang sabi ko sa sarili ko ayaw ko si Rexha para sa kanya ngayun eto pinababayaan ko sila at walang ginagawa para malinawan sa mga nangyayari, pero bakit pa! nagkakasundo na sila ehh! eepal paba ako?
Naglalakad ako sa hallway at may mga estudyante akong nakikitang nagkukumpulan sa isang mahabang chart board sa labas ng gym.
"tara na tignan natin kung naka pasa tayo" sigaw ng babae habang hatak hatak ang kasama nya, sa tingin ko ay kaidad ko lang din sila.
"kyaaa! tara na," excited na saad ng kasama nya.
'oo nga pala ngayun ang resulta ng test namin Tuesday ngayun, kaya pala maraming nagkukumpulan duon.' suwensyo ko sa sarili ko
Zombie ako ng lakad papalabas ng hallway ng makita kong paparating sila inayos ko ang pustura ko. Di nila pwedeng makitang pagod at may nararamdaman ako.
"kyaaahhh Zhiya tara tignan na natin yung test result" napangiwe ako ng bibig nang kumapit ng mahigpit sa kanang braso ko si Ain.
"ahh hehe oo" pilit kong saad.
"let's go, let's go...." masayang saad ni Kly
, na pakagat ako ng dila ko, dahil duon sa bewang ko kasi sya humawak, pinilit kong tumango sa kanila itinago ko ang kamay ko sa bulsa and clinch my fist para naman mabalance yung sakit na nararamdaman ko sa katawan.'di ko hahayaan na madamay sila sa gulo ko' sa isip isip ko. Mas dumagdag pa sa sakit ng katawan ko ng medyo nakipag siksikan kami.
'ohh god it hurts' halos hingalin ako sa paghinga sa pagpipigil ng sakit ng katawan ko, kulang nalang dumugo ang balat ko sa diin ng tusok ko ng kuko rito.
"woah galangya nakaraos din" sabi ni Kim at hinanap ang pangalan nya umpisa sa baba.
Naramdaman ko naman na lumuwag na at wala na sila Ain at Kly sa magkabilang gilid ko, nasa tapat kami ng chart board kung saan lahat na nag tatake ng B.A ay nakasulat ang pangalan. hinanap ng mga mata ko ang top ten di ako nahirapan dahil nasa taas sila. Napangite ako dahil nasa top ten kami
" kyaaa Zhiya nasa top one ka!!!" tiling tili nila Ain at Kly at biglang yumakap na nagpangiwe saakin pero ngumite din ako kaagad, at niyakap sila
"luh ang gara top 3 lang ako dapat ako nasa top 2 ehh" angal ni Kim parehas kasi sila ni Aston ng score pero dahil pa alphabet ang ranking naunahan sya ni Aston.
![](https://img.wattpad.com/cover/189050461-288-k15393.jpg)
YOU ARE READING
behind of her Nerdy Personality
SonstigesAn extraordinary girl who only wants to have a simple life. To have that, she need to pretend to be someone. Someone that no body can recognize her true identity. But one day, her quiet life turns upside down. They found her. Someone wants to know...