PROLOGUE

6.1K 131 6
                                    

Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. Ito po ay may pagkamalaswa. Thank you!

This is a Trilogy. Three books po siya kumbaga tuloy-tuloy siya hanggang sa tatlong libro. Thank you💜

-The Vampire Anger

-The Vampire Love

- The Vampire Property

PROLOGUE

MADILIM na ang kalangitan... Tanging liwanag ng buwan ang makikita at simoy ng hangin ang maririnig. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko parang lalabas ang puso ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Nakakabaliw! Walang akong ibang makita sa paligid kundi mga naglalakihang puno, sa sobrang taas ng mga puno ay natatakpan na ang buwan dahilan para dahan-dahang dumilim ang dinadaanan ko.

Hating gabi na at alam kong walang makakarinig sa akin kahit sumigaw ako nang sumigaw lalo pa't nasa kagubatan ako. Mapapaos na lang ako sa kakasigaw wala pa ring makakarinig sa akin dahil sobrang tago ng kagubatang ito. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kagubatang ito ngunit isa lang ang sigurado ako, hinahabol ako ng Isang nilalang na puno ng galit sa akin. Hindi ko akalain na ang kaninang kasiyahan na naganap ay ito ang naging kapalit, hindi ko lubos maisip na ito ang magiging kabayaran ng lahat.

Nanlamig ako nang may matigas na bagay na sumalubong sa akin habang tumatakbo palayo. Hindi ako makagalaw para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa pinaghalong emosyon. Nang mag-angat ako ng tingin ay doon ko napagtanto kung gaano kainit ang apoy kapag dumapo sa iyong katawan. Puno ng galit at hinanakit ang dalawang pares na mata nito habang nakatitig sa akin. Naiiyak kong ipinikit ang aking mga mata saka palihim na nanalangin kay Bathala na siya ang bahala sa akin.

"Nang dahil sa galit at poot ay biglang nagbago ang ikot ng aking mundo at ito na ang kapalaran ko... Ang maging kabayaran ng galit mo Haring Cassius." Naiiyak kong bulong sa nilalang na kaharap ko

"Hindi sapat ang buhay mo na maging kabayaran ng lahat kahit ilang buhay pa ang ibubuwis mo ay kailanman hindi ito magiging sapat." Mariin nitong sagot sa akin dahilan para mas lalo akong maiyak

Ano nga ba ang kaya kong gawin sa galit ng Haring ito? Mababakas sa mata ng Haring ito ang emosyon na walang kapatawaran kahit pagbayaran ko na lahat. Ang pula nitong mga mata ay parang isang apoy, mapanakit ang bawat pagdapo ng tingin nito sa akin. Ito na ang kapalaran ko ang maging kabayaran ng lahat, ako ang magbabayad sa kasalanang di ko naman ginawa.

"Nais kong maramdaman mo ang galit ko hanggang kamatayan, nais kong maghirap ka hanggang sa ikaw ay tuloyang maglaho sa mundong ito... Mas lalong nais kong maramdaman mo ang galit ko para malaman mo na walang kapatawaran ang lahat." Mariin nitong dagdag sabay mariing hinawakan ang aking panga

Ngayong gabi na ito ay napagtanto ko na kailanman ay hindi mawawala ang galit ng isang nilalang hanggang hindi ka nila makikitang nahihirapan. Ang Bampirang kaharap ko ay puno ng poot at hinanakit sa mundong ito. Hindi niya alam ang salitang kapatawaran ngunit may kapatawaran nga ba kung may buhay na Nawala? Ang galit nito ang papatay sa akin sa mga oras na ito kaya kahit lumaban ako ay wala akong kawala.

"Handa akong maging alipin ng galit mo... Palayain mo lamang sila Haring Cassius, handa akong maging kabayaran ng lahat kung iyon ang nais mo." Naiiyak kong bulong sa Haring ito

Nakahanda akong maging kabayaran ng galit para sa aking kakambal na si Amandra, wala na akong magagawa kung ako ang ako ng lahat. Ngayong lantad na ang lahat ay naka-handa na rin akong ipangalandakan ang kaya kong gawin para sag alit ng Haring ito.

"Pahirapan mo ako hanggang sa mapawi ang galit mo sa akin... Iparamdam mo ang iyong galit sa akin hanggang kamatayan." Naiiyak kong dagdag dahilan para dahan-dahang kumalas ang mga palad nito sa akinng panga

Sa pag-alis naming sa kagubatang ito ay isa lamang ang sigurado ako... Magiging alipin ako ng galit nito sapagkat ito ang landas na aking pinili. Ngunit gustohin ko man na lumihis ay hindi ko kakayanin sapagkat buhay ng kakambal ko ang nakataya. Parehong buhay ang pinaglalaban naming ngunit ang pinagkaiba ay walang galit na bumabalot sa akin kumpara sa Haring ito.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon