AMBROSIA POV
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Huminga aki ng malalim para pakalmahin ang saril. Sa dinami-daming kapalit ang asawa ko pa. Magkakaroon na kami ng anak kaya hindi na nila kami basta-basta masisira. Hindi nila malalayo sa akin ang asawa ko. Magkamatayan na kami.
"Bakit si Cassius ang gusto nilang kapalit? Bakit sa pwedeng hingin ay siya? " Nagtataka kong tanong
"Hindi din namin alam Mahal na Reyna. Wala ring nakaaalam ng sagot" turan ni Gianluca
Kung ano man ang dahilan ng mga kalaban ay hindi ako makakapayag. Lalaban kami kung kinakailangan. Magkalaban na, magkamatayan na pero sa akin ang asawa ko. Mananatili sa akin si Cassius. Buhay ko ang magiging kapalit. Handa akong makipaglaban kahit magkamatayan.
"Makinig kayong lahat. May sasabihin ang Reyna" malakas na sigaw ni Poro-poro
Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin dahil sa galit ko. Kung hindi ko lang sana narinig ang sinabi ni Gianluca ay hindi sana ganito. Inis na inis ako, gusto ko silang hampasin. Sugurin ang mga kalaban.
"Nagkakagulo na ang lahat. Marami na ang nangyayari sa mundo natin. Pero ito kayo kinakalaban kami. Kami na mismong namumuno ang kinakalaban niyo. Paano tayo mananalo sa digmaang ito kung mismong nasasakupan namin ang kumakalaban sa amin" malaks kong sigaw
Hindi kami mananalo sa digmaang ito kung hindi sila magigising sa katotohanan. Kung hindi nila imumulat ang kanilang mga mata. Kung hindi nila iisipin ang kapanan ng lahat ay walang mangyayari.
"Patuloy kaming lumalaban para sa inyo. Para iligtas ang mundong ito, para maligtas kayo. Patuloy kaming nakikibaka kahit na nahihirapan tapos ito ang ibabalik niyo? Hindi tayo ang magkalaban dito. Hindi ang kahariang ito. Tayo ang biktima sa kagulohan kaya kailangan namin kayo para maayos ito. Kayo ang aming sandata, kayo ang aming panlaban sa digmaan dahil kayo rin ang dahilan kung bakit hindi kami sumusuko kahit na maraming dahilan, dahil gusto namin maligtas ang mundong ito"
Ang mundong ito ay walang pinagkaiba sa mundo ng mga tao. Pasalamat na lang ako dahil magagamit ko ang aking pinag-aralan sa mundo ng mga tao. Nagamit ko rin ang pagiging mabuting pinuno.
"Sa labang ito hindi tayo ang magkalaban. Hindi niyo dapat kami kinakalaban. Ang dapat na ginagawa natin ay nagtutulongan. Hindi natun dapat tinuturing ang isa't isa na kalaban. Saka huwag rin tayong maging mkasarili. Hindi pwedeng sariling kaligtasan niyo ang iisipin. Paano naman ang iba? Kaya niyo bang mabuhay habang ang iba ay wala na? "
Naiintindihan ko sila kung bakit nila ito ginagawa. Dahil ang pag-aakala nila ay wala ng pag-asa ang mundong ito. Inisiip nila na mga kalaban kami dahil wala na silang pagpipiliin kundi ang kalabanin kami para sa sarili nilang kaligtasan.
"Ang pagiging mkasarili ay hindi mabuti. Hindi tama na piliin ang sarili. Hindi ka magiging masaya hanggang may nasasaktang iba. Hindi lang kayo ang naninirahan sa mundong ito. Hindi lang kayo ang may gusto ng kapayapaan at maging ligtas. Kami rin. Gusto rin naming mamuhay ng simple. Gusto rin ng kapayapaan dhil nagdadalang tao ako, ano na lang ang bubungad sa anak ko kapag naisilang sila? Ito ang maabutan nila. Ang mga Bampira na naglalaban. Ito ang bubungad sa kanila"
Hindi nila maiintindihan dahil ang nasa isip nila ay ang mga sarili. Hindi nila alam kung gaano kahirap sa amin ni Cassius na pamunuan ang mundong ito. Kung maari lang kaming umalis sa pagiging Reyna at Hari, umalis na sana kami. Para naging Ina at Ama na lang kami sa magiging anak namin. Pero hindi namin kaya dahil hindi lang anak namin ang pwedeng protektahan kung ang buong nasasakupan.
"Pero Mahal na Reyna. Si Haring Cassius ang gusto nila. Bakit hindi na lang natin ibigay para matapos ang digmaan? " Tanong ng isang Bampira
Malungkot akong ngumiti. Madali lang sa kanila dahil ang pag-aakala nila kapag binigay ko si Cassius ayos na. Pero hindi nila alam na may masasaktan at ako 'yon.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
