CHAPTER FIFTY SIX

822 37 2
                                    

AMBROSIA POV

Lahat ay nakahanda na. Ang mga Bampira ay nakapila na at ang mga Diwata. Ngayon nabang araw ng digmaan. Hindi ko  pa rin maiwasang kabahan dahil alam kong wwlang kasiguraduhan ang lahat.

"Humayo kayong lahat. Hihingi kami ng tulong kay Bathala na kayo ay gabayan" malakas na sigaw ni Gianluca

Ang iilan sa mga Bampira at Mangkukulam pa lamang ang mauuna. Ang Vampirus ang mamumuno sa digmaan. Bukas na susunod sila Cassius, bukas na magaganap ang totoong digmaan at sasama si Cassius. Kaya hindi ko maiwasang kabahan dahil habang papalapit ay mas lalong nagiging mahirap. Ramdam na ramdam ko na rin ang nalalapit na paglabas ng anak ko.  Sa baqat oras ay unti-unit itong gumagalaw na parang handa ng lumabas at 'yon ang dahilan para mas lalo akong kabahan.

"Donnovan, aasahan kong mapapamunuan niyo ang hukbo. Alam kong naghihintay na sila sa inyo" malakas na sigaw ni Cassius

"Masusunod mahal na hari" nakayukong untag ni Donnovan

Napatingin ako sa mga Bampira, diwata, mangkukulam at sa mga halimaw na pinadala ni Altansar. Sila ang tutulong sa amin sa digmaang ito at hindi ko lang alam kung may kasiguraduhan ba. Alam kong hindi pa ito ang mabagsik na digmaan, simula pa lang ito. Bukas na bukas na magaganap lahat at  sigurado akong magkakagulo na ang Zirconia.

"Mananalo tayo sa labang ito! Mananalo tayo! " Malakas na sigaw ni Donnovan

"Mananalo! " Sabay na sigaw nilang lahat

Paulit-ulit na akong nagdasal, alam kong marami ng mga kalahan ang naghihinty sa Piscina. Sabay-sabay na silang lumaba, handa na sila. Pero ako ay hindi pa. Simula pa lang ito, hindi pa nagsisimula ang digmaang kasama si Cassius. Ano na lang amg mangyayari bukas?   Magiging ligtas kaya ang lahat? Mananalo kaya kami? Natatakot ako dhil alam kong hindi madali ang labanang ito. Kasama si Cassius sa lalaban. Kasama ang asawa ko kaya paano ako makakampante.

"Huwag kang mag-alala sa akin Mahal, uuwi akong buhay para sa inyo. Par sa anak natin"

Hindi ko magawang magtiwala dahil hindi namin alam ang mangyayari. Hindi masasabi ni Cassius  na magiging ligtas siya. Si Cassius ang hinihingi ng mga kalaban, siya ang gusto nitong kapalit kaya paano ako kakalma kung ang asawa ko ang gusto nilang kunin. Bakit kasi sa dinami-dami ay siya? May tiwala ako kay Cassius, alam kong kaya niya. Malakas siya. Magtitiwala ako sa kanya dahil mahal ko siya.

Pero sa mga taksil? Hindi ko kaya, ayaw ko magtiwala. Dahil sa galing nilang maglaro ay talagang posible. Ang hirap maging kampante lalo na kung alam mo na kung gaano sila katuso.

"Hindi ko alam Mahal, natatakot ako dahil alam kong ikaw ang gusto nilang kapalit. Ilang beses ko mang pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi lang ang kahariang ito ang nasa panganib kundi ikaw"

Kung pwede ko lang itigil ang digmaang ito. Kung pwede lang mamuhay sa ibang mundo ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil maraming umaasa sa amin. Kami ng asawa ko ang dapat na lumahan sa digmaan ito. Gusto kong maging damot kaya hindi ako papayag na ibigay si Cassius. Magiging madamot ako ngayon, siya muna ang ipagdadamot ko. Ngayon lang 'to, kunin na nila lahat pwro 'wag ang asawa ko. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya, hindi ko kayang isipin na hawak siya ng iba.

"Ayaw kong umalis ka. Gusto kong nasa tabi lang kita dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ka na makapabalik, hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka sa akin. Alam mo kung gaano kita ka mahal Cassius, alam na alam mo 'yan. Kaya hindi mo ako masisi kung takot akong mawala ka"

Mawala na ang lahat pero hindi ang asawa ko. Hindi ko kayang isipin na mawawala sa akin si Cassius. Sinisigurado kong ikakamatay ko 'yon. Ang buhay ko ay nakakonekta kay Cassius, siguro nga kahibangan. Pero nagmahal lang ako, mahal ko lang siya. Kaya hinding-hindi ko ibibigay ang asawa ko. Hinding-hindi nila ito makukuha.  Digmaan na kung digmaan. Pero sinisigurado kong lalaban ako kahit saang labanan pa 'yan.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon