AMBROSIA POV
MAINGAT ang bawat galaw ko, habang pabalik-balik ang tingin sa dinadaanan. Muling umalis si Cassius dahil may inasikaso ito. Kaya nagmamadali ako dahil kailangan kong makita si Amandra.
Pasalamat na lang ako kay Gianluca at tinunlongan niya ako para makalusot, dahil paniguradong babalik agad si Cassius. Mabilis kong binuksan ang kulongan. Nakuha ko ang susi dahil sa tulong ni Poro-poro. No'n una natatakot pa ito dahil baka madamay. Pero pinilit ko talaga ito hanggang sa bumigay.
Hawak-hawak ko ang lamparilya na nagsisilbing ilaw para makita sila. Mabilis kong hinanap si Amandra lahat sila tulog na. Mabilis akong lumapit ng makita si Amandra.
"Amandra, gising" mahina kong tawag
Napangiti ako ng mabilis itong magmulat. Mahigpit ko itong niyakap. Na-miss ko talaga si Amandra, nakaramdam ako ng lungkot dahil ako nakatulog sa kama habang sila nasa sahig. Ibang-iba ang trato sa kanila ni Cassius. Naiiyak ako, naiiyak ako dahil wala man lang akong magawa para iligtas sila. Hindi ko man lang sila maipagtanggol.
"Ambroisa, bakit ka andito? Baka mahuli ka ni Cassius! " Kinakabahan nitong turan
Malungkot akong ngumiti, kung sakali mang mahuli ako ni Cassius. Tatanggapin ko ang parusa niya. Ang mahalaga sa akin makita sila at malamang ligtas.
"Kumusta ka na? Sinasaktan ka pa rin ba nila Ate? " Naiiyak kong tanong
"Hindi na kambal, pero si Arty. Alam kong maari siyang matanggal sa pagiging Vampirus dahil sa ginawang pagpatakas sa 'yo" naiiyak nitong sagot dahilan para maluha ako
Ako ang may kasalanan ng lahat na ito. Ang daming nadamay dahil sa akin. Ang daming nalagay sa panganib. Tinulongan lang ako ni Arty, ginawa niya langa anh sa tingin niyang tama. Pero sa huli nalagay siya sa panganib dahil sa akin.
"Ako ang bahala ate. Hahanap ako ng paraan para maging ligtas kayo. Pangako gagawin ko lahat para sa inyo" naiiyak kong sambit habang nakahawak sa kamay niya
Nakikita ko ang dating ako kay Amandra, nakakulong. Kinakawawa, sinasaktan. Hindi io akalain na ito ang magiging buhay ng kakambal ko. Nasa iisang kaharian na kami, pero hindi pa rin patas ang buhay namin.
"Kumusta na ang puso mo? Masakit pa ba? " Nag-aalala nitong tanong
Mabilis akong umiling at matamis na ngumiti.
"Ayos lang ako, kaya ko pa naman. Basta, lagi kayong mag-iingat. Hahanap ako ng paraan"
"Salamat Kambal. Huwag mong masyado pabayan ang sarili mo ah, hindi ko kakayanin kung may mangyayari sa 'yo"
"Paalam na. Kailangan ko ng bumalik baka may makahuli sa atin. Mahal kita Ate. Pasensiya ka na kung hindi ko kayang lumaban" naiiyak kong paghingi ng tawad
"Shh, nagawa mo Ambrosia. Sapat na ang nabuhay kami. Sapat na ligtas tayong lahat. Sobra akong natuwa sa pagiging reyna mo"
Naiiyak ko siyang niyakap. Sa kabila ng kagulohang ito nagawa pa rin akong pasayahin ni Amandra. Nagawa nitong pagaanin ang loob ko. Ngayon hindi ako maaring sumuko, kailangan pa namin ang isa't isa. Kailangan ko pa silang ipagtanggol.
"Babalik ako Ate, pangako" sambit ko at mabilis na umalis
Maingat ang bawat galaw ko. Mabilis kong binalik ang susi at lamparilya at dahan-dahang naglakad papasok sa silid namin ni Cassius. Maingat ko itong sinarado ng makapasok ako. Alam kong maya maya ay darating na siya.
"Saan ka galing Ambrosia? " Malamig nitong tanong dahilan para manlamig ako.
Hindi ako maaring magkamali, boses ni Cassius ang narinig ko. Hindi ako makapaniwala, parang tumigil ang mundo ko. Imposibleng bumalik agad siya kakaalis niya lang. Dahan-dahan akong humarap. Para akong hihinatayin ng makita ang madilim nitong mukha. Mahigpit akong napahawak sa magkabila kong bestida. Parang lalabas ang puso ko sa sobrabg kaba, ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na mapigilan pa.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
