CHAPTER TWENTY FOUR

1.4K 53 6
                                        

I dedicate this chapter kay Eddelyn Pacquaio. Para sa 'yo ang chapter ni Poro-poro.

Hindi ko man kayo napagbigyan kay Cassius atleast kay Poro-poro. Ang taksil na inaakala niyo🙈😂

PORO-PORO POV

Nanginig ako ng makita ang Hari na may muli na namang pinapatay. Mahigit sampu na ang mamamatay sa araw-araw.

"Huwag kayong magpapakita sa akin, hanggang sa hindi nakikita ang Reyna! " Galit nitong sigaw

Hindi ko alam ang gagawin, kung lilipad ba ako paalis o babalik ako sa kweba dahil sa sobrang takot. Natatakot ako baka mamaya ako ang ihawin ng hari. Galit na galit ito. Lahat nakatingin sa kanya, namumutla. Hindi alam ang gagawin, hindi alam ang gagawin para pakalmahin ang hari. Ito ang iniiwasan naming magalit ang hari dahil alam naming damay kaming lahat.

Hindi ko alam kung bakit nagawang tumakas ni Ambrosia. Hindi ko maintindihan kung ano ang naisip niya at biglang tumakas. Alam kong mahal niya ang hari. Nakikita ko ang pagmamahal niya, mula sa pagpapahirap ng hari ay nagawa niya pa rin itong mahalin.

Wala akong masabi sa kabutihan ni Ambrosia, dahil talagang biniyayaan ito ng magandang puso. Ito lang ang nagtiis sa hari, ito lang amg nagmahal sa kabila ng pananakit. Siya lang ang babaeng nakita kong ngumiti kahit na nasasaktan at may luha ang mga mata. Maituturing ko na isang matapang na babae si Ambrosia. Nagawa niyang lumaban sa kabila ng sakit. Nagawa niyang maging positibo kahit sobrang sakit.

Inako niya lahat ng kasalanan. Siya ang umako ng kasalanang hindi niya ginawa. Inosente siya sa lahat, simple siyang babae na walang ibang ginawa kundi magmahal. Kaya, naawa ako sa kanya dahil sinasaktan siya ng Hari. Para sa akin, hindi bagay sa kanya ang saktan. Napakabuti niya para sakit lang ang ibabalik sa kanya.

Wala siyang ginawang kasalanan, ang tanging naging kasalanan niya ay magmahal sa isang bampira na hindi mo alam kung kaya ka bang mahalin. Simula ng dumating si Ambrosia sa kaharian namin ay malaki ang pinagkaiba. Maging sa hari ay malaki na ang pinagbago.

Hindi  ko alam ang nararamdaman niya pero ramdam ko na nahuhulog  na siya kay Ambrosia. Hindi rin ako magtataka kung mamahalin niya si Ambrosia dahil ka mahal mahal naman talaga ito. Kung tutuuusin, siya na ang hinahangad ng lahat. Ang pinapangarap ng mga kalalakihan. Masyadong perpekto si Ambrosia, maganda mula sa panlabas at loob. Perpekto na ito.

Pero sa kabila ng pagiging perpekto ni Ambrosia  siya ang lubos na sinasaktan. Siya ang lubos na pinapahirapan. Masasabi ko rin na kahit gaano kasama ang Hari, kapag ang katulad ni Ambrosia ang makakaharap niya talagang mapuputol ang sungay nito.

Sa laban ng pag-ibig. Si Masama ay kayang baguhin ni Mabuti, pero si Mabuti ay hindi mababago ni Masama. Dahil sa mundong ito, si Mabuti lagi ang nanalo. Si mabuti ang laging lumalamang. Kaya kahit ano'ng gawin mo sa isang tao ma mabuti ay hindi ito magiging masama. Kahit saktan mo ng paulit-ulit. Hinding-hindi ito magiging masama.

Si Ambrosia ang karapat-dapat sa hari. Nakikita ko sa niya ang emosyon ng pagmamahal. Nakikita ko ang saya sa mata niya habang kausap si Casssius.  Sa simpleng bagay  lang ay masaya na siya. Sa simpleng ginagawa ni Cassius ay malaking bagay na para sa katulad ni Ambrosia.

Noon pa man Si Haring Cassius ay pusong bato na. Kinakatakutan namin ito dahil sa pagiging brutal sa pagpatay. Hindi ito basta naawa, hindi ito marunong maawa. Wala sa kanya ang salitang awa. Para sa kanya patay agad. Pero no'ng makita ko ang pagluhod ni Ambrosia ang pagmamakaawa nito ay nakita ko ang emosyong kailanman ay hindi ko pa nakita.

Emosyong galit, galit dahil sa ginawang pagluhod ni Ambrosia. Galit dahil sa ginawa nitong pagpili sa mga angkan. Doon ko napansin ang unti-unti nitong pagbago. Hindi ko alam kong makakabuti ba o hindi. Pero bilang hari marami ang kumakalaban sa kanya. Lahat gagawin para mapababa siya sa Trono. Pero hindi basta mapapabagsak ang hari.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now