AMBROSIA POV
SA kabila ng kagulohan sa zirconia ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaharian ng Anatolia. Maganda pa rin ito kahit na nakakalibot ang paligid.
"Poro-poro, pwede ko ba silang makasalamuha? " Nakangiti kong tanong habang tinuturo ang mga bampirang nag-uusap.
"Hindi maari, hindi ka lalabas sa kaharian na ito Ambrosia" malamig na wika ni Cassius.
Sabay kaming napalingon ni poro-poro ng marinig ang malamig na boses na nagpakaba sa akin. Mariin itong nakatitig sa akin, kitang-kita ko ang panghari nitong damit. Talagang bumagay sa kanya.
"Haring Cassius" sambit ni poro-poro at yumuko kaya wala akong nagawa kundi yumuko.
"Sorry Haring Cassius" nakayuko kong sambit.
"Poro-poro, saan ka pupunta? " Nagtataka kong tanong.
Natawa ako ng makita ang pagkatakot sa mukha nito. Ang pangil niya ay nangangatal. Kaya nakangiti ko itong nilapitan.
"Poro-poro, salamat sa mansanas. Maari ba akong makahingi ng Tubig? Nauuhaw kasi ako" Nakangiti kobg sambit.
"Nako! Wala kaming--- "
"Pakahuaan mo sila Leonard sa mundo ng mga tao"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cassius. Nakalimutan kong kasama pala namin ito.
" 'Wag na, nakakahiya. Ayos lang, kahit ano na lang meron" mabilis kong sagot.
"Dugo lang ang meron kami Ambrosia" sagot ni poro-poro.
Napangiwi ako sa sinabi nito, hindi ko maatim na uminom ng dugo. Para akong hihimatayin.
"Okay lang, hindi na ako nauuhaw" nakangiti kong sambit.
"Leonard! "
Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw ni Cassius, mabilis akong lumapit at hinawakan ito sa kamay.
"Huwag na talaga, ayos na ako. Ayos na ayos"
Pero huli na nasa harapan na namin ang isang bampira. Napatitig ako sa mukha nito, iba ang kulay ng mata ng kaharap namin. Kulay asul, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Parang may kakaiba. Napaigik ako ng hilain ako ni cassius at mahigpit na hinawakan sa siko.
"Pumunta ka sa mundo ng mga tao, kumuha ka ng tubig at mga pagkain"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis na nawala ang bampira sa harapan namin.
"Paalam na haring casius at Ambrosia" paalam ni poro-poro
Napangiwi ako ng mabilis na nawala si poro-poro, kinabahan ako ng makita si Cassius na masamang nakatingin sa akin.
"C-cassius" mahina kong tawag
"Hanggang nasa akin ka, hindi ka maaring lumapit kahit sino. Dahil tandaan mo nakatali ka pa sa akin"
Nanlamig ako sa sinabi nito, mabilis akong tumango dahil sa takot.
"Masusunod Haring Cassius" kinakabahan kong sagot.
"Tandaan mo hindi pa ako tapos, kailangan mo pang pagbayaran lahat" anito at mabilis akong kinaladkad.
Kinabahan ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Nang makarating kami sa madilim nitong silid ay malakas akong tinapon sa kama.
Napapikit ako ng mahubad ito, kahit na may nangyari na sa amin ay talagang hindi pa rin ako sanay. Natatakot ako. Kinakabahan ako pero kailangan kong patatagin ang loob ko.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
مصاص دماءSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
