AMBROSIA POV
HINDI ko maipaliwanag ang saya habang nakatingin sa salamin. Bihis na bihis ako dahil sa utos niya.
"Maganda na ba ako Alondra? " Masaya kong tanong
Nakangiti itong tumamgo. Isang simpleng kulay lila na gown ang suot ko. Sobrang saya ko dahil nangyari na ang pinakahihintay ko. Mahal niya na ako.
"Alondra. Ang saya ko mahal niya na ako. Grabe, hindi ko akalain na mamahalin niya din ako" masaya kong kwento
Nagulat ako ng hindi nagsalita si Alondra. Mabilis akong lumingon para tignan ito. Nagulat ako ng naiiyak itong tumingin sa akin.
"Bakit? Ayos ka lang? " Nag-aalala kong tanong
Mabilis nitong pinigilan ang kamay ko.
"May naalala lang ako" naiiyak nitong sagot
Nalungkot ako ng makitang humihikbi ito. Alam kong may pinagdadaanan si Alondra. Malungkot ko itong niyakap. Ramdam na ramdam ko ang paninigas nito.
"Kung ano man ang naalalaa mo. Alam kong hindi maganda. Kaya, huwag ka ng malungkot" malungkot kong bulong
Hindi ito nagsalita. Wala akong natanggap na sagot. Bumukas ang pintuan at iniluwa si Terra na nakangiti.
"Halika na Reyna. Naghihintay na ang Hari" masaya nitong tawag
Mabilis akong lumayo kay Alondra at hinawakan ito sa balikat.
"Ayos lang 'yan" nakangiti kong pampakalma sa kanya.
"Sige, alis muna ako" nakangiti kong paalam
Nakangiti kong inakbayan si Terra. Sobra ko ding na-miss si Terra. Ang dami niyang kinuwento sa akin.Tungkol sa mga nangyari.
"Nako! Huwag mo akong hawakan. Madumihan ka" nag-aala nitong sambit
Nakabusangot ko itong hinarap.
"Grabe ka naman. Hindi ka madumi para madumihan ako" nakabusangot kong sambit
"Tumigil ka nga diyan. Naghihintay ang Hari sa 'yo" naiiling nitong sambit at inayos ang gown ko
Pakiramda ko nakikita ko si Vonna sa kanya. Ang matalik kong kaibigan sa mundo ng mga tao. Napakabaiy ni Terra. Para maging matalik kong kaibigan.
"Halika na. Bago masayang ganda"
Nakangiti kong sinukbit ang kamay ko sa braso niya. Naiiling itong ngumiti at inayos ang buhok ko. Napakasarap sa pakiramdam dahil may bago na naman akong kaibigan. Mabilis akong tumakbo palapit kay Cassius. Mabilis naman ako nitong sinalubong.
"Huwag kang tumakbo bigla-bigla" malamig nitong sambit
Hinawakan ako nito sa kamay. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya dahil ang gwapo nito. Kahit saang angulo tignan napakagwapo niya. Hindi nakakasawa ang mukha nito. Napahalkhak ako ng umiwas ito ng tingin. Nakangiti ko itong tinangkayad. Hinawakan ko ito sa balikat para maabot ang labi nito. Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng mahalikan ko si Cassius. Hinawakan ako nito sa beywang bilang suporta. Mabilis akong lumayo ng makarinig ng sunod-sunod na tikhim.
"Poro-poro. Iihawin na" natatawang pang-aasar ni Napoleon kay Poro-poro
Nakangiti akong humarap sa kanila. Lahat ito hindi makatingin sa amin.
"Nakahanda na ba ang pangihaw kay poro-poro? " Malamig na tanong ni Cassius kay Donnovan
"Opo, pati si Bakunawa" nakayukong sagot ni Donnovan
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
